28 December 2013

Adto

Mga pahina ng kwaderno ay unti-unting nauubos
Sinindihang sigarilyo ay nagmamadaling maupos
Alak na nakakalasing ay sa lalamunan bumubuhos
Mga awit na maiingay ay sa tenga tumatagos

Pambura sa lapis ay di na makita
Di na rin maaninagan ang mga bakas ng paa
Sa bawat paghakbang di alam sa'n papunta
Ang bawat pagbikas ay me katumbas na pagtawa


Hindi man maitangay ng hangin ang aking mga hinaing
Wala mang kasiguraduhan na me mararating
Maglalakad na lang sa pagitan ng mga letra't larawan
Isisigaw sa mundo na ang pagkatao ko'y me laman

Walang itsura ang kanina pang ginughuhit
Walang direksyon ang pansulat na gamit
Gumagawa ng mga kunwaring awit
Nagpapakamakata't baka sakaling me makamit

Muling mag-iingay ang mga guhit. 
Muling magwawala ang mga titik.
Muling tatawa ang mga letra.
At ang bulag ay muling makakakita.

15 November 2013

Sopa

Nakahiga sa sopa, 
At nakatingala.
Inuusisa ng aking mata,
Kurtinang napakahaba.

Isang dangkal na pag-unawa'y ilalabas.
Aalipinin lang ng kahapon ang lakas.
Uubusin ang ang nais hanggang magwakas.

Sa init ng adlaw ito rin ay maninigas.

Gagalaw sa pagpindot ng numero.
Iaangat ang bawat dulo.
Ihahampas ang bawat pagbigkas.
Sinusulat ang naturingang alamat.

Orgulyo'y binabalewala.
Pamilya'y di na maghihintay sa wala.
Sopa na ngayo'y hinihigaan.
Balang araw ay makakamtan.

12 November 2013

Bangon

Maraming naanod na bahay.
Kasingdami ng mga nawasak na buhay.
Lupang dating sagana sa likas na yaman.
Nagmistulang isang malawak na libingan.

Niragasa ng baha ang buhay na nananahimik.
Binasa ng ulan ang mga batang walang imik.
Nilamon ng dagat ang bawat pangarap.
Nawalan ng silbi ang bawat pagsusumikap.

Sa pagkakadapa ay muli nating ibabangon.
Mga bayang nasalanta'y iaangat sa pagkakabaon.
Nangangaylanga'y tutulongan natin ngayon.
Upang kaginhawaa'y makamtan sa madaling panahon.

29 October 2013

Para Sa'n Pa?

Para sa'n pa ang pagbuklat ng aklat kung mananatili paring salat?
Walang silbi ang mga sulat kung lilinlangin lang ang lahat.
Paniniwalaan pa ba ang bawat ulat?
Huwag ipagdamot ang pagiging tapat.

Hindi porke't tugma ang mga salita ay tama na.
Pasakalye, bola at inililigaw lang pala.
Idinadaan sa magandang pagsasalita.
Wala namang tamang ginagawa.

Para sa'n pa ang pagbubuhat ng sariling bangko?
Kung ang mga pangako nama'y puro napako.
Walang silbi ang iyong pagiging mabango.
Dahil lahat tayo'y may bahong itinatago.

Huwag ipagdamot ang pagiging tapat.
Sa mga pader ay ating isusulat.
Sa mundo ay ating isasambulat.
Na iisa lang tayong lahat!

20 October 2013

Palihim

Itinatago ang bawat salita upang hindi marinig ng iba.
Tunay na nangyayari ay ikinukubli sa madla upang di mapahiya.
Kung pwede lang sana na nakapiring ang kanilang mga mata.
Malaya na sanang makakapaglakad sa gitna ng kalsada.

Magkukunwari na lang na walang alam sa nagaganap.
Ipagpapalagay na lang na walang silbi ang mangarap.
Ipapatangay na lang sa hangin ang mga sasabihin.
Maipagpatuloy lamang ang mga pagkikitang palihim.

Palihim na sumasayaw sa saliw ng musika na sa isip lang gumagana.
Kinakanta ang bawat himig na palihim ring naglalakad sa tenga.
Sa bawat letra ng paboritong kanta ay bumabalik ang nagdaan.
Maaaring ang pakiramdam ay naglaho na ngunit nananatili parin ang alaala.



15 October 2013

Swerte

Labing-isa. Apat. Siyam.
Pinipindot ang numero.
Upang makakain ang payaso.

Labing-isa. Apat. Siyam.

Babango't didiligan ang pananim.
Inihain ay kakainin.

Labing-isa. Apat. Siyam.

Kape ang hinahanap.
Asukal ay di mahagilap.

Labing-isa. Apat. Siyam.

Tatlong pusa ay aaliwin.
Isang taong ansarap sapakin.

Labing-isa. Apat. Siyam.

Kayamana'y madaragdagan.
Habang isa'y nag-aabang.

Labing-isa. Apat. Siyam.
Titiisin ang di tanggap.
Para sa konting pangarap.

22 September 2013

Tatlong Oras na Pag-ibig

Nag-iinit ang katawan kahit na maalinsangan
Naghahanap ng mapaglalabasan
Upang init ay maibsan
Bugwak!

Saan nga ba pwedeng itutok ang nadarama
Saan nga ba pwedeng ibulsa
Saan kaya makakaisa
Aaaah!

Lintik 'tong gan'tong problema
Puson ay parang sasabog na
Tang ina! Nasaan ka na
Bugwak!

Diretso ang paglalakad kasama ang bagong kakilala
Katawa'y lumiko na lang ng bigla
Ito na ang hinahanap kanina pa
Aaaah!

Pumasok sa isang kwartong walang bintana
Ikinandado kasama ang isang estranghero
Mag-uumpisa na ang dwelo
Bugwak!

Parang asong ulol na pinaghahagkan
Labi, leeg hanggang sa talampakan
Walang pakialam, walang alam
Aaaah!

Ito na ang hinhintay, humanda sa pagpasok
Hinimas, binasa at saka itinutok
Sapol! Pormang tatsulok
Bugwak!

Tatlong oras ay napakadaling lumipas
Pinagsawaan hanggang kumupas
Kaybilis ng gintong oras
Aaaah!

Lumabas sa kwartong makasalanan
Naghiwalay, di alam ang pangalan
Hindi umimik, lumiko sa kanan
Bugwak!

Tatlong oras na pag-ibig ang tawag dito
Mauulit kaya ang kasalanang 'to
Makakapasok pa kaya ako
Aaaah!


18 September 2013

Isang Hakbang

Isang hakbang na lang ako'y makakalaya na
Mula sa kahapon na sa'king isip nakataga
Ang panibagong yugto ay nasa aking harapan
Yayakapin ko ito at marubdob na hahagkan

Isang luha na lang at ako'y magiging masaya
Tatawanan ko na lang ang mga alaala
Ang aking sarili ay muli kong ibabangon
Mula sa malalalim na pagkakabaon

Isang tawa na lang at ito'y tuloy-tuloy na
Hanggang sa mawalan na ako ng hininga
Mamamayapa ang mga walang silbing luha
Ilalaan ang natitira sa taong tama

Isang hakbang, isa na lang!
Isusulat sa papel, iguguhit sa pader
Isasambulat sa sambayanan
Na isang hakbang na lang ang kalayaan

15 September 2013

Oh Wag!

Biyernes. Halata ang mga kilos. Nagmamadaling umuwi. 
"Oh wag! Wag kang magduda sa kanya." Sabi sa sarili.
Pinabayaan. Hinayaang di makita ang mga ngiti.
Isang umaga. Nakita. Larawan. Agad nagduda.
Biglang nagalit. Nagngingitngit dahil sa init.
Isa pa. Kailangan ko pa ng isa. Isang pruweba.
Inanyaya. Agad pinuntahan. Kabilang mesa. Nakita.
Nasilayan. Aking nakita. Pamilyar na mukha.
Inusisa. Agad nanghusga. Ang iksi ng damit niya.
Pula. Kulay pula. Puti. Maputi ang balat niya.
Mukha. Mukhang matagal. Matagal na talaga.
Kapit-bisig. Iisa ang mga bisig. Kapit-bisig sila.
Natawa. Ako'y napatawa. Ayon! Kitang-kita.
Duda. Tama ang aking hinala. Oh wag!
Di mapigilan. Oh wag! Masakit na ang tiyan!
Oh wag! Cge igalaw mo pa. Oh wag! 
Nag-umpisa. Di pormal ang simula.
Nagtapos. Duda ko ay tama.
Simula. Inumpisahan sa paghihinala.
Natapos. Nagtapos na tamang hinala.
Oh wag! Wag nga naman. Di mapigilan.


07 September 2013

Sining

Ang diwa mo ay paliparin
Palayain ang pagkamalikhain
Hawakan mo ang panulat
At sa papel ay ilapat

Nialalaman ng isip at puso
Huwag magpatangay sa usok
Iguhit sa mga ulap
Ang mga natatanging pangarap

Hayaang igalaw ka ng musika
Kantahin mo ang mga letra
Isigaw mo na ika'y makata
Kahit hindi masyadong halata




05 September 2013

Konsensya

Araw ay sumisisikat
aking mata ay ididilat.
Pagkain ang problema 
ng taong salat.
Wala akong trabaho
na pinagkakaabalahan.
Isang tasang kape
aking hahagkan.
Pagkatapos magligpit
ay matutulog ulit.
Hanggang sa akin
may kumalabit.
Aking konsensya na 
sa komersyal ko lang nakikita.
Aking pangalan
kanyang isinampit.
  

28 August 2013

Dónde Está Janet?

Naging matunog ang iyong pangalan
At ika'y naging sikat ng biglaan
Sampung milyon ang pabuya
At napakaraming matutuwa kapag
Ang kawatan sa kaban
Nahuli't, maikukulong nang tuluyan.

Kakalimutan namin ang iyong sala, kung
Ang kinuha ay ibalik mo ng kusa.

Nasaan ka nga ba ngayon?
At bakit pera ng bayan ay iyong ginawang baon.
Pera ng mamamayan iyong pinaglaruan
O, mali ang kanilang mga paratang?
Libo-libong tao ang iyong niloko
Estado ngayon ng bansa, di mo ba kabisado?
Sana'y ibalik mo, bago ka mapugutan ng ulo.
?

13 June 2013

Nasayran

Bagay na inumpisahan, tiyak na magtatapos.
Salaping iniingatan ay tiyak mauubos.
Ang sigarilyong sinindihan, tiyak mauupos.
Taong sigaw nang sigaw, tiyak mapapaos.

Bawat sugat ay dugo ang tumutulo.
Patak ng ulan, lupa ang sumasalo.
Sa bawat pagtawa ko ay may naghihingalo.
Panalo para sa'yo ngunit ako naman ang nabigo.

Ang lahat ng taong nagigising ay mahihimbing din.
Kagandahan ng umaga mula sa kadiliman ng gabi.
Magsisimula sa pagsaw-saw ng pandesal sa kape.
Ang bawat paglunok ay may katumbas na tae.

Nang dumating ang tag-ulan, nalaman ko na ako ay nababasa.
Ako ay nasinagan ng araw, napagtanto ko na ang sobrang init ay nakakatunaw.
Nang naumpisahan kong kumain, natuto akong magsaing.
Itinigil ko ang aking paghinga, napansin ko na ito pala'y mahalaga.


  


22 May 2013

Modern Kopok

Ibinibenta ko ang aking sarili. Hindi ako naaawa sa aking ama't ina. Wala silang alam sa mga pinagagagawa ko dito sa Internet. Hubo't hubad na katotohanan ang ipinapakita para lang makuha ang atensyon ng iba. Walang bayad kapag tinignan, pero pag hinawakan ay siguraduhin mong meron kang 'sangdaan.

Naiinis ako pag ako'y pinagtatawanan. Sa kanila ay wala naman akong kasalanan. Naiinis rin ako kapag ako'y pinagpipyestahan. Ang nais ko lang naman ay paglike at pagshare sa aking katawan. Maiiksi ang aking mga isinusuot dahil ito ang gusto ko. Maisusuot ko ang gusto ko dito sa bansang malaya. Pero binabastos nila ako dahil sa damit ko.

Ibig kong umabot sa isang milyon o higit pa ang aking mga kaibigan dito sa Internet pero may limitasyon kaya gagawa ako ulit nang isa pang akawnt para mas marami ang makakakita sa aking pinagagagawa. Dito ay mas malaya ako, naipapakita ko aking tunay na laman. Pero bakit hindi kaaya-aya ang kanilang mga komento? Gusto daw nila akong tuhugin, ipinapakita ko lang naman kung sino ako. Bakit sila ganun?

Bansang malaya, mas naging malaya dahil sa teknolohiya. Inabuso ko ang paggamit sa Internet. Ngayon, ako ay naaawa sa aking ama't ina. Dapat hindi nila nakita ang hubo't hubad na katotohanan ng aking pagkatao. Dapat hindi ko na lang ginustong kunin ang atensyon nang karamihan. Hindi ko na lang sana kinuha ang 'sangdaan.



Pagmata. Ayaw gamita ang Internet para mambastos og bastoson ka.

21 May 2013

Sapalaran, A Punch toda Madapaking MOON.

A punch toda madapaking MOON.
Urine is too long to be measured.
Restless and stressful nayts are not over. It's under. 
Braves yourselfs for the big bang theory.

Hindi kailanman maiintindihan ang isang katulad ko na ayaw ninyong intindihin.
Hindi mabubuhay ang isang polar bear kasama ang teddy bear.  
Hindi na maglalaban ang isang Manny Pacquiao at ang isang Muhammad Ali.
Hindi na magiging clockwise ang ikot kung magchecheck ng papel kung hindi ka nagchecheck ng papel.

Imposibleng magsama ang daga at leon sa iisang bahay.
Imposibleng malaman ang sagot kung walang nagtatanong.
Imposibleng walang nagtatanong. Hindi ka naman sumasasagot.
Imposibleng gusto nila ako at ikaw hindi.

Hindi maaari at imposible. 
Bukas, luluhod ang mga tala pagkatapos nilang magkatuhod.
Mamaya, magsisikantahan ang mga anghel.
Ngayon, tatakbo ang mga dwende at sasayaw ng Gentleman.

Luluha?
Tatawa?
Matutuwa?
Matutumba.

Tandang pananong. Tanda na ako ay nagtatanong. 
Tandang pagsagot. Matanda na ako kung sumagot.
Pero walang imposibleng bagay sa mundo.
Mas imposible kung wala akong gagawin.

12 May 2013

Tips para sa ELEKSYON

   Kung ang pagboto lang ang pag-uusapan, hindi ko perstaym bukas. Noon sa paaralan ay bumuboto na ako. Pataas-taas lang ng kamay. Una kanan tapos kaliwa. Pandaraya. Bukas, boboto na ako at perstaym ko!! EKSAYTED MUCH ^.^ pero wala akong nakuhang tips kung paano bomoto-bumoto-bumuto-bumutu. Kaya ako na lang ang gagawa ng mga tips para sa aking mga kapwang perstaymers na boboto bukas at ito ay base lamang sa mga nakalap kong impormasyon sa nakaraang mga eleksyon. NAKS!! Pwedeng paniwalaan o balewalain mo na lang.

   Una, kung may magbibigay sa'yo ng pera at sasabihing iboto ang kanilang kandidato ay tanggapin mo ang pera. Hindi magiging vote-buying yan kung hindi mo sila iboboto. Wag mo silang iboto, tanggapin mo lang ang pera. Wag kang tanga. Pangalawa, ulitin mo yung unang tip. Pangatlo, ulitin mo ang pangalawang trip. Pang-apat, ulit-ulitin mo at kayganda nang ating trip. Panglima, iboto mo kung sino ang ibinoto ng nanay mo. BekosMadersnowsbes.


   Iboto mo yung siguradong hindi mananalo para hindi ka magsisisi kung mangungurakot lang pala ang mananalo. Sayangin mo ang boto mo sa mga kandidatong walang pag-asa na makakaupo kaysa iboto ang kandidatong malakas na sa papel pero ganin parin ang papel. TRAPO.

28 April 2013

Bibi, Plastikin Mo Ako



    Hindi nabubulok. Gawa ng tao. Natutunaw.

    PLASTIK na ayun sa kaibigan kong si Wiki ay sinasakop ang iba't ibang artipisyal o sintetiko o semisintetikong polimerisasyong mga produkto. Binubuo ang mga ito ng organikong kondensasyon o mga karagdagang mga polimero at maaaring maglaman ng mga sustansya upang mapabuti ang pagkakaganap o ang katipiran. Mayroon mga iilang mga likas na mga polimero ang pangkalahatang tinuturing na mga "plastik".

   Sa ibang gamit, tinuturing na eupemismo ang plastik para sa mga taong balat-kayo o mapagkunwari.

   
      Para sa Akin naman ito ay: 

Ang mga pekeng pagbati, kunwaring pagngiti at mga halik sa pisngi. 
Buong akala ay tunay, buong akala ay wagas, nagkukunwari lang ang mga hudas. 
Ipinagtatanggol mo sila, habang kinakain ka nila. 
Ika'y nakikipaglaban habang sila'y nasa likuran at ika'y pinagtatawanan. 
Mga nagkukunwaring kaibigan, nais lng pala'y plastikan. 
Ngiti ang iyong iganti, tiyak mag-iisip sila nang maigi.
Plastik tayong lahat!! Walang nakakaangat!
Kung hindi ka plastik sa mundong ito, tiyak, konti lang ang kakilala mo.


PLASTIKAN NA!!

28 March 2013

May Pangarap Din Po Ako


   May pangarap din po ako.  Marami akong gusto. Gusto ko itong matupad. Nais kong gawin itong motibasyon. Walang imposible, mas imposible kung wala akong gagawin. Pero alam kong hindi lahat ay matutupad. Lahat tayo may pangarap, nakakainggit nga yung iba dahil pangarap pa lang natin ngunit sila? pinagsasawaan na nila. Ampota no?! (Dili kay NO man.) May listahan ako nang aking mga pangarap. Iilan lamang ito sa milyon-milyon kong gusto, nais and wants. K!



May pangarap din po ako. 
Marami rin naman akong gustong gawin.
Gusto ko ring pumunta sa ibang bansa.
Nais kong makasakay sa eroplano habang kinakamot ang likod ko.

May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong sabihin.
Gusto ko rin namang kumanta sa ASAP kasama si Ely, Bamboo at Freddie.
Nais kong makarating sa Maynila, pero hindi ako makikipagsapalaran.

May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong kainin.
Gusto ko rin mangulangot sa Disneyland.
Nais ko ring makapaglaro sa Araneta. Kahit tumbang-preso, choks na.

May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong bilhin.
Gusto kong matulog sa kama ni Rosanna.
Nais ko ring makapasok sa sinehan doon sa Claveria.

May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong iguhit.
Gusto kong magkaroon ng cellphone, yung tatskrin? yun nga.
Nais ko ring mapalitan ang gamit kong telepono ngayon na may baller ni Richard Gordon.

May pangarap din po ako.
Marami rin akong gustong isulat.
Gusto kong pumunta sa India para alamin kung meron rin bang pinoy na nagpapapaybsiks doon.
Nais ko ring makapunta sa buwan at maglalasing ako doon.

  Marami pa po akong gusto. Pero nakakapagod napo magtype. Masakit na ang aking likod. Tamad kasi. Pero tamad lang naman ako sa mga bagay na ayaw kong gawin. Naks!! kbye.

03 February 2013

Pork Na Hindi Masarap.

Porke't kulay pula ang labi at may kulay ang buhok, maganda na?
Porke't hindi naka Varsity Jacket, di na gwapo?
Porke't maputi ang mukha dahil sa pulbo, maputi na?
Porke't walang gel ang buhok, pangit agad?

Porke't touchscreen ang telepono, mayaman agad?
Porke't walang laptop, mahirap agad?
Porke't hindi marunong gumamit ng kompyuter, bobo na?
Porke't nakiki-WiFi sa kapitbahay, wala agad pera?

Porke't hindi kumakain sa McDo, mahirap na?
Porke't kumakain sa Jollibee, mayaman na?
Porke't hindi alam ang pangalan nung pagkain sa KFC, hindi in?
Porke't french fries lang ang kaya kong bilhin, kuripot agad?

Porke't nagmumura, bastos agad?
Porke't hindi nagsasalita, mabait agad?
Porke't pumasok sa kwarto at paglabas pinagpapawisan, nag ano agad?
Porke't hindi natutulog sa gabi, insomniac agad?

Porke't pinupuna ko ang mga pangit kong nakikita, masama na ako?
Porke't humahanga ako sa pangit, pangit na rin ako?
Porke't naka white dove sa mall, mahirap agad?
Porke't hindi tugma ang suot ko sa okasyon, hindi agad sumasabay sa uso?

Porke't ...
Porke't ...
Porke't ...
Porke't ...

Porke't napansin ko lang naman na hindi tugma ang iyong mukha sa iyong ginagawa ay ako pa ang masama? Kung ipagpatuloy mo na lang kaya ang iyong ginagawa at hayaan akong tumawa. Hindi hadlang ang pamumuna ng iba. Gawin mo itong inspirasyon at pag-isipin mo sila kung bakit ganun.

27 January 2013

Meron palang bago.... PICKOWTS!!

Meron palang bago... PICKOWTS!! Mga larawan na merong kowts. Click mo link na to ohh para atsup. http://tamadrules.blogspot.com/p/pickowts.html


Top Fool One

sumasapit na ang bagong umaga, bakit ang likod ay sa banig parin nakalapat?
tinatawag ka na nang iyong konsensya, bumangon ka na at buto'y iunat.
tinatawag ka na nang iyong ina, bumangon ka na at ligpit ang hinigaan.
sumasapit na ang bagong umaga, bakit wala paring maamoy na ulam.

muta ay singkapal nang iyong mukha na nagsisilbing pandikit sa mata.
madilim. hindi kayang ibuka, parang buhay na ang pagbabago'y di makita.
ilong na di na halos makahinga sapagkat ang kulangot ay di pa nakukuha
kukunin. bibilugin. parang manggagawa. kukunin. bibilugin.

pagkatapos magsaing para bang nagwagi, pagkatapos kumain saka magkukunwari.
pagkatapos tumae para bang nagwagi, pagkatapos ay hihiga saka magkukunwari.
pagkatapos matulog para bang nagwagi, pag natapos ang pagkukunwari saka magwawagi.
pagkatapos magkunwari, parang nagwagi. pagkatapos nang lahat ikaw parin ay lugi.

hahagilapin ang nais makamtan pagkatapos ang isa'y iniwan at tinawanan.
walang pakialam sa iyo ang ating magandang mundong ginagalawan.
isa ka lang sa mga napakaraming nabubuhay at namamatay.
papasukin rin nating lahat ang kabaong at saka ihihimlay.

ihagis ang hinahawakan at ang iba ay kunin.
hindi lahat nang pagkain sa mundo ay puro kanin.
ihagis ang kanin at ang tinapay ay kainin.
pero hindi lahat nang pagkain sa mundo ay kaya mong kainin.

kung gagalaw ka man lang din, bakit hindi pa ginawa noon?
kung tatayo ka man lang din, bakit pa pinaabot ng dapithapon?
gumalaw ka na at saka hanapin na ang nais ngayon.
dahil hindi lahat ay nabibigyan nang isa pang pagkakataon.