24 April 2012

MMK!


"Matalino ka ba?", tanong niya.
"Mangmang 'yan!", sagot nung isa.
Kakainis naunahan ako.


Matalino bang maituturing kung wika nang mga dayuhan ang gagamitin?
Mangmang ba sa paningin ang mga taong nagsasalita gamit ang wika natin?
Kung hindi ba dumating ang mga dayuhan sa bansa, sisikat kaya ang ating wika?

Matatalino nga ba ang mga Amerikano kasi magaling silang mag ingles? o
Mangmang ba sila kasi di sila marunong mag tagalog?
Kakatuwa ka kaibigan at naisip mo yan.

May nagtanong, kung sa wikang ginagamit ba masusukat ang dunong.
May sumagot, hindi raw.
Kasi ang katalinohan raw ay masusukat depende sa paggamit mo nito sa iba't-ibang sitwasyon.

May tao nga bang matalino? o hindi lang nagamit nang iba ang katalinohan nila?
May tao bang mangmang? o mangmang tayong lahat at walang nakakaangat?
Kakalito! Nalilito rin kaya ang mga matatalinong tao?

Maaring ipagyabang mo ang iyong katalinohan.
Maaring ipagmalaki mo na alam mo ang lahat.
Kung tatanggapin mo na ikaw ay matagal nang mangmang.


No comments: