Nag-iinit ang katawan kahit na maalinsangan
Naghahanap ng mapaglalabasan
Upang init ay maibsan
Bugwak!
Saan nga ba pwedeng itutok ang nadarama
Saan nga ba pwedeng ibulsa
Saan kaya makakaisa
Aaaah!
Lintik 'tong gan'tong problema
Puson ay parang sasabog na
Tang ina! Nasaan ka na
Bugwak!
Diretso ang paglalakad kasama ang bagong kakilala
Katawa'y lumiko na lang ng bigla
Ito na ang hinahanap kanina pa
Aaaah!
Pumasok sa isang kwartong walang bintana
Ikinandado kasama ang isang estranghero
Mag-uumpisa na ang dwelo
Bugwak!
Parang asong ulol na pinaghahagkan
Labi, leeg hanggang sa talampakan
Walang pakialam, walang alam
Aaaah!
Ito na ang hinhintay, humanda sa pagpasok
Hinimas, binasa at saka itinutok
Sapol! Pormang tatsulok
Bugwak!
Tatlong oras ay napakadaling lumipas
Pinagsawaan hanggang kumupas
Kaybilis ng gintong oras
Aaaah!
Lumabas sa kwartong makasalanan
Naghiwalay, di alam ang pangalan
Hindi umimik, lumiko sa kanan
Bugwak!
Tatlong oras na pag-ibig ang tawag dito
Mauulit kaya ang kasalanang 'to
Makakapasok pa kaya ako
Aaaah!
Kahit sa isang pagkakataon man lamang; Bigkasan mo ako ng mga naisulat mong tula, Iparinig mo ang ginawa mong kanta, Isayaw mo ang iyong mga paa. Pakiusap, ibahagi mo ang iyong mga obra. Palihog.
Showing posts with label bastos. Show all posts

22 September 2013
15 September 2013
Oh Wag!
Biyernes. Halata ang mga kilos. Nagmamadaling umuwi.
"Oh wag! Wag kang magduda sa kanya." Sabi sa sarili.
Pinabayaan. Hinayaang di makita ang mga ngiti.
Isang umaga. Nakita. Larawan. Agad nagduda.
Biglang nagalit. Nagngingitngit dahil sa init.
Isa pa. Kailangan ko pa ng isa. Isang pruweba.
Inanyaya. Agad pinuntahan. Kabilang mesa. Nakita.
Nasilayan. Aking nakita. Pamilyar na mukha.
Inusisa. Agad nanghusga. Ang iksi ng damit niya.
Pula. Kulay pula. Puti. Maputi ang balat niya.
Mukha. Mukhang matagal. Matagal na talaga.
Kapit-bisig. Iisa ang mga bisig. Kapit-bisig sila.
Natawa. Ako'y napatawa. Ayon! Kitang-kita.
Duda. Tama ang aking hinala. Oh wag!
Di mapigilan. Oh wag! Masakit na ang tiyan!
Oh wag! Cge igalaw mo pa. Oh wag!
Nag-umpisa. Di pormal ang simula.
Nagtapos. Duda ko ay tama.
Simula. Inumpisahan sa paghihinala.
Natapos. Nagtapos na tamang hinala.
Oh wag! Wag nga naman. Di mapigilan.

22 May 2013
Modern Kopok
Ibinibenta ko ang aking sarili. Hindi ako naaawa sa aking ama't ina. Wala silang alam sa mga pinagagagawa ko dito sa Internet. Hubo't hubad na katotohanan ang ipinapakita para lang makuha ang atensyon ng iba. Walang bayad kapag tinignan, pero pag hinawakan ay siguraduhin mong meron kang 'sangdaan.
Naiinis ako pag ako'y pinagtatawanan. Sa kanila ay wala naman akong kasalanan. Naiinis rin ako kapag ako'y pinagpipyestahan. Ang nais ko lang naman ay paglike at pagshare sa aking katawan. Maiiksi ang aking mga isinusuot dahil ito ang gusto ko. Maisusuot ko ang gusto ko dito sa bansang malaya. Pero binabastos nila ako dahil sa damit ko.
Ibig kong umabot sa isang milyon o higit pa ang aking mga kaibigan dito sa Internet pero may limitasyon kaya gagawa ako ulit nang isa pang akawnt para mas marami ang makakakita sa aking pinagagagawa. Dito ay mas malaya ako, naipapakita ko aking tunay na laman. Pero bakit hindi kaaya-aya ang kanilang mga komento? Gusto daw nila akong tuhugin, ipinapakita ko lang naman kung sino ako. Bakit sila ganun?
Bansang malaya, mas naging malaya dahil sa teknolohiya. Inabuso ko ang paggamit sa Internet. Ngayon, ako ay naaawa sa aking ama't ina. Dapat hindi nila nakita ang hubo't hubad na katotohanan ng aking pagkatao. Dapat hindi ko na lang ginustong kunin ang atensyon nang karamihan. Hindi ko na lang sana kinuha ang 'sangdaan.
Pagmata. Ayaw gamita ang Internet para mambastos og bastoson ka.

Subscribe to:
Posts (Atom)