Hawak ang telepono habang nakahiga
Nag-iisip nang pwedeng maipapaksa
Sa utak sinasala ang bawat salita
Upang ang nasa kabilang linya'y di maapura
Habang ang kamay ay nakaabang
Pagitan ng dal'wang mata'y sumasakit
Pilit nilalagyan ng laman ang bawat puwang
Umaasang mayroong makakamit
Tinakluban ako ng kabobohan
Napakainit tumira sa pagitan ng mga pahina
Ako'y ibinangon ng katamaran
Ngayo'y presko na ang aking nadarama
Maraming bagay akong naiisip
Parang isang punong hitik sa bunga
Pero ang pagsasalita'y sinisipsip
Kabulokan ang lumalabas sa bunganga
Kahit sa isang pagkakataon man lamang; Bigkasan mo ako ng mga naisulat mong tula, Iparinig mo ang ginawa mong kanta, Isayaw mo ang iyong mga paa. Pakiusap, ibahagi mo ang iyong mga obra. Palihog.
Showing posts with label tamad. Show all posts
Showing posts with label tamad. Show all posts
15 June 2014
05 September 2013
Konsensya
Araw ay sumisisikat
aking mata ay ididilat.
Pagkain ang problema
ng taong salat.
Wala akong trabaho
na pinagkakaabalahan.
Isang tasang kape
aking hahagkan.
Pagkatapos magligpit
ay matutulog ulit.
Hanggang sa akin
may kumalabit.
Aking konsensya na
sa komersyal ko lang nakikita.
Aking pangalan
kanyang isinampit.
aking mata ay ididilat.
Pagkain ang problema
ng taong salat.
Wala akong trabaho
na pinagkakaabalahan.
Isang tasang kape
aking hahagkan.
Pagkatapos magligpit
ay matutulog ulit.
Hanggang sa akin
may kumalabit.
Aking konsensya na
sa komersyal ko lang nakikita.
Aking pangalan
kanyang isinampit.
Subscribe to:
Posts (Atom)