Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

18 February 2014

Magkaiba

Magkaiba ang ayaw,
sa wala.
Ayaw matulog,
sa walang tulog.
Ayaw kumain,
sa walang makain.
Ayaw umibig,
sa walang iniibig.
Ayawan ang mga bagay na nandiyan,
hindi yung nawala.

Magkaiba ang nais,
sa pangangailangan.
Nais kumanta,
sa kelangang kumanta.
Nais umutot,
sa kelangang umutot.
Nais magpakatao,
sa gustong magpakatao.
Ang mga nais mong bagay
ay makakapaghihintay.

Magkaiba ang gusto,
sa napilitan lang.
Gustong mag-aral, 
sa napipilitang mag-aral.
Gustong maglasing,
sa napipilitang maglasing.
Gustong tumawa,
sa napipilitang tumawa.
Gawin ang bagay ayon sa iyong kagustohan,
hindi dahil napipilitan ka lang.

28 December 2013

Adto

Mga pahina ng kwaderno ay unti-unting nauubos
Sinindihang sigarilyo ay nagmamadaling maupos
Alak na nakakalasing ay sa lalamunan bumubuhos
Mga awit na maiingay ay sa tenga tumatagos

Pambura sa lapis ay di na makita
Di na rin maaninagan ang mga bakas ng paa
Sa bawat paghakbang di alam sa'n papunta
Ang bawat pagbikas ay me katumbas na pagtawa


Hindi man maitangay ng hangin ang aking mga hinaing
Wala mang kasiguraduhan na me mararating
Maglalakad na lang sa pagitan ng mga letra't larawan
Isisigaw sa mundo na ang pagkatao ko'y me laman

Walang itsura ang kanina pang ginughuhit
Walang direksyon ang pansulat na gamit
Gumagawa ng mga kunwaring awit
Nagpapakamakata't baka sakaling me makamit

Muling mag-iingay ang mga guhit. 
Muling magwawala ang mga titik.
Muling tatawa ang mga letra.
At ang bulag ay muling makakakita.