Nakahiga sa sopa,
At nakatingala.
Inuusisa ng aking mata,
Kurtinang napakahaba.
Isang dangkal na pag-unawa'y ilalabas.
Aalipinin lang ng kahapon ang lakas.
Uubusin ang ang nais hanggang magwakas.
Sa init ng adlaw ito rin ay maninigas.
Gagalaw sa pagpindot ng numero.
Iaangat ang bawat dulo.
Ihahampas ang bawat pagbigkas.
Sinusulat ang naturingang alamat.
Orgulyo'y binabalewala.
Pamilya'y di na maghihintay sa wala.
Sopa na ngayo'y hinihigaan.
Balang araw ay makakamtan.
Kahit sa isang pagkakataon man lamang; Bigkasan mo ako ng mga naisulat mong tula, Iparinig mo ang ginawa mong kanta, Isayaw mo ang iyong mga paa. Pakiusap, ibahagi mo ang iyong mga obra. Palihog.
Showing posts with label pangarap. Show all posts
Showing posts with label pangarap. Show all posts
15 November 2013
28 March 2013
May Pangarap Din Po Ako
May pangarap din po ako. Marami akong gusto. Gusto ko itong matupad. Nais kong gawin itong motibasyon. Walang imposible, mas imposible kung wala akong gagawin. Pero alam kong hindi lahat ay matutupad. Lahat tayo may pangarap, nakakainggit nga yung iba dahil pangarap pa lang natin ngunit sila? pinagsasawaan na nila. Ampota no?! (Dili kay NO man.) May listahan ako nang aking mga pangarap. Iilan lamang ito sa milyon-milyon kong gusto, nais and wants. K!
May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong gawin.
Gusto ko ring pumunta sa ibang bansa.
Nais kong makasakay sa eroplano habang kinakamot ang likod ko.
May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong sabihin.
Gusto ko rin namang kumanta sa ASAP kasama si Ely, Bamboo at Freddie.
Nais kong makarating sa Maynila, pero hindi ako makikipagsapalaran.
May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong kainin.
Gusto ko rin mangulangot sa Disneyland.
Nais ko ring makapaglaro sa Araneta. Kahit tumbang-preso, choks na.
May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong bilhin.
Gusto kong matulog sa kama ni Rosanna.
Nais ko ring makapasok sa sinehan doon sa Claveria.
May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong iguhit.
Gusto kong magkaroon ng cellphone, yung tatskrin? yun nga.
Nais ko ring mapalitan ang gamit kong telepono ngayon na may baller ni Richard Gordon.
May pangarap din po ako.
Marami rin akong gustong isulat.
Gusto kong pumunta sa India para alamin kung meron rin bang pinoy na nagpapapaybsiks doon.
Nais ko ring makapunta sa buwan at maglalasing ako doon.
Marami pa po akong gusto. Pero nakakapagod napo magtype. Masakit na ang aking likod. Tamad kasi. Pero tamad lang naman ako sa mga bagay na ayaw kong gawin. Naks!! kbye.
Subscribe to:
Posts (Atom)