27 October 2010

Isang Baitang Isang Saknong

una kitang nasilayan ..
noong greyd wan ..
ikay nakaupo sa row wan ..
at akoy nasa iyong likuran ..

at noong greyd two ..
lalo akong humanga sayo ..
dahil ang pinakamahirap na tanong ..
ay nasagot mo ..

tayo nga ay nag greyd tri ..
lalong gumanda ang iyong ngiti ..
sinong bang mag-aakala ..
na ikay dating bungi ..

pagdating sa ikaapat na baitang ..
sa ibang klase ako'y napabilang ..
isang taon ko ring di nasilayan ..
ang mukha mong gusto ni YANyan ..

sa ikalimang baitang tayo'y muling nagkaklase ..
subalit hindi mo'ko pinapansin at nilalayuan na parang tae ..
hindi ko alam kung bakit naging ganoon ..
hindi ito ang gusto kong takbo noon ..

greyd six ay masaya ..
dahil kahit sa ating huling taon ako'y pinansin mo na ..
kulang na lang ay maging tayo na ..
subalit ikaw pala'y taken na ..

hindi ko matanggap ..
na ikay nawala sa 'sang iglap ..
patuloy pa rin akong tumitingala sa alapaap ..
naghihintay na makatikim din ng kahit konting sarap ..

20 October 2010

dahil sa'yo

Alam niyo ba ? nang dahil sa kanya ay halos naranasan at nasubukan ko na ang lahat ng bagay sa mundo ..
minsan akong naging ACIENDERO ngunit ang FARM koy di lumago ..nakapagtayo na rin ako ng RESTAURANT at kahit paano ay kumita naman ..sinubukan kong mag'alaga ng mga PETS pero hindi ko magawa dahil doon lang ako nakakita na asong mukhang daga ..at eto dahil din sa kanya ay naging Mixed Martial Artist ako , nakipaglaban sa mga dayuhan pero stamina ay inubos lang ..nakpagTATTO na rin ako at tuwing matatapos ay may ink na lalabas ..at ang LUCKY  ko dahil may TRAIN na ako ..pero ang tagal nga lang ng mga stop-overs ang pagitan ay isang linggo ..naranasan ko na ring maging mayaman at magpakaMILLIONAIRE pero naubos din lahat dahil sa SOLITAIRE ..ang laki ng impluwensiyang naidulot niya sa buhay ko ..biruin mo ba naman ? pati mga MONSTERS ay nakasama ko ?..at dito ko lang naransang makapag'manage ng BASKETBALL team ..naging ROCKista ng FREE ngunit iniba niya ang format kayat nagtanim na lang ng ipinagbabawal sa POT ..at meron an akong bagong FARM ..ngunit mahirap din baka mahuli ka ni sheriff Dave ..protection ay di sapat ..ngunit salamat ..at naransan ko ang lahat ng ito ..sana mas marami pa ang iyong matulungan ..ishiSHARE kita kahit umuulan ..LIKE na LIKE kita ! at kahit tanong ka nang tanong ng "what's on your mind?" ay ok lang to dahil ikaw naman ang tulay sa bawat WALL POST ko ..itaTAG kita sa isip ko ..pakyu .. :))

08 October 2010

Tula Ko sa Filipino


narito na ang tula ko sa Filipino ..
para ito sa asignatura naming Filipino ..
na gagamitan ko ng wikang Filipino ..
upang maintindihan ng maraming Pilipino ..

eto na , sisimulan ko na ..
para agad-agad ay matapos na ..
itong aking tula na hindi sinasadya ..
ngunit kailangan ba talaga ?

kailangan ko itong tapusin ..
para di na tayo mabitin ..
ipapasa ko pa ito kay Bb. Cabiguin ..
na balita koy manlilibre sa amin ..

ngunit paano ko matatapos 'to ?
nanonood pa ako ng Pinoy Henyo ..
ang mga kalahok ay mga bombero ..
sumisigaw parang sira-ulo ..

ang dami-dami ko nang problema ..
dumagdag pa itong tula ..
na may mga liham ..
at talambuhay pang kasama ..

sana mataas ang makuha kong marka sa tulang 'to ..
hindi gaya ng mga marka ko sa trigo ..
na sa susunod na taon ay babalikan ko ..
buhay nga na man ..puno ng trigo ..

bago ko tatapusin ang aking tula ..
hayaan nyo muna akong tumingala ..
maghihintay muna ako ng himala ..
magbabakasakaling sa tula koy may matuwa ..

kaybilis ng oras ..
parang 'sang segundo lang ang lumipas ..
wala na akong maiisip ..
pag-iisip koy biglang nakupas ..

hindi ko na namalayan ..
parang kailan lang nung inumpisahan ..
ngayon ang tula ko sa Filipino ay akin nang wawakasan ..
kasabay na rin ng aking paglisan ..

narito na , tatapusin ko na ..
tulad nga nang sabi ng parokya ..
akala ko meron pa ..
yun pala wala na ..

05 October 2010

Iligaw sa Aliw

Gusto mong ipakita sa kanila kung sino ka ..
ngunit ayaw mong ayawan ka nila 
dahil sa mga gusto mong ipakita sa kanila ..

Gusto mong gumanda ka sa mga mata nila ..
ngunit ayaw mong sumobra
dahil baka magsawa sila ..

Wag kang tanga ..
tao rin sila ..
maiitindihan ka nila ..

wag kang matakot ..
tao ka rin ..
maiintindihan ka rin ni ikaw ..

Ipakita mo kung sino ka ..
magsout ka ng velvet kung gusto mo ..
wag kang sumabay sa uso ..uso ang pasabayin mo Sa trip mo ..

maglagay ka ng supot sa ulo ..
tumuwad ka 
at kumanta ng "ang huling el bimbo" ..sing !

sabi nga ni Ka Freddie .."wag mong isipin ng todo ..tumawa ka .." 

isipin mo na lang ..HAM yan ..HAM nga ..maliitin ka man nila ay wag kang mag-alala ..alam kong minamaliit mo rin sila ..tabla ra ..
gawin mo ang gusto mong gawin ..tama man ito o mali ..kung ito ang nagpapasaya sayo ..hala sige ingat ! ..wag kang mahiyang isiwalat ang tunay mong baho kung alam mong ikauunlad mo ito ..ngunit kung hindi , amoyin mo ito hanggang sa ikaw ay mahilo ..

   sana ang no.1 rule sa mundo ay " Bawal ang makialam " ..ngunit hindi ehh ..pero sa hilig nating makialam ay kahit papano may magandang naidulot naman ito ..paano kaya kng hindi pinakialaman ng tao ang mga triangle noon ? wala sanang trigonometry ngayon ..walang eroplano , mga gusali , mga tulay atbp. SAYANG ! sana hindi na lang nila pinakialaman ..wala na sana akong problema ngayon ..pooot ..

   puna nang puna ..walang tigil na pamumuna ..buhay na nga ito ng iba ..ewan ko ba kung bakita andaming pakialamero ..punanero ..osyosero ..bombero ..reklamador ..establisera ..ola amigo ..amiga ! ola Dora  ..ola Boots ..sa mundo !!! ..hindi tuloy natin naiipakita ng lubos kung sino tayo ..alam kung pamumuna rin ito ngunit gusto ko to eeh..may magagawa ka ba ?

01 October 2010

PROKATAWA™




              Eto na naman ako ..palaging nakatawa kahit andaming problemang  pinoproblema ..problema na nila pinoproblema ko pa ..minamadali ko ang lahat , puro ngayon at mamaya ang iniisip na para bang walang bukas na darating ..kaya ko lang naman naiisip ang mga bagay na'to ay dahil sa mga kakilala kong hindi ako kilala ..mga taong akala ko'y "PRO" ngunit "ANTI" pala ..imbes na makisama ay nahihiya na akong sumama at gusto ko palagi akong nag-iisa ..kahit palagi akong nakatawa alam ko na alam nila na tupperware lang ito gaya ng sa kanila ..



               Sa lahat ng problemang kihakaharap ko ngayon ..hindi ko na alam kung saan ako haharap , titingala ba ako at hihingi ng tulong mula sa Kaniya ? o yuyuko na lang na siyang tanda ng pagsuko sa buhay na ipinahiram Niya ?..tatawa na lang ako ulit para kahit pansamantala ay mawala ang problema , ngunit sa katapusan ng lahat ng tawa ay bumabalik na naman ang problema ..lumalaki nga ang mga halaman kahit pabayaan mo lang ..eeh ang problema pa kaya ? aba eewwaaaan ..

                 Ayokong tumingala at maghintay ng himala ngunit ayoko rin naman yumuko na tanda ng pagsuko ..gusto ko ay titingin ako ng diretso at hayaan ang panahon ang magresolba sa walang hiyang problema ..ano pa ang silbi ng pagiging tamad ko kung ako ang magreresolba ng sarili kong problema ?..kakapagod kaya yun ..tatawa na lang ako ng tatawa kung ito lang ang natatanging paraan na mawala kahit pansamatala ang problema ..kaya't wag na kayong magtataka kung makikita niyo akong mag-isang naglalakad na nakatawa o di kaya'y nakapaloob sa isang kabaong at pinaglalamayan na ..HAHA™