21 September 2010

Untold Stories presents ...


Ito ang kwentong magpapaantig sa inyong mga puso ..Ang estorya ng pamilya at kung paano nila susubukang resolbahin ang mga problemang maliliit na pinalaki ng mga walang hiya ..Ang estoryang walang saysay ..Ang nag-iisang kwentong binabasa na may commercial ..Tiyak akong madadala kayo sa bawat eksenang nakakatunaw ng puso ..Halina , basahin at tunghayan ang kwento ni Maxibogs sa estoryang pinamagatang..










17 September 2010




ang tunay na kaibigan ay masusukat sa mata ..siya ang unang taong
magsasabi sayo kung may muta ka ..


ika labingpito ng ika siyam na buwan ng ika sampung taon ng dekada

eto na ..isang taon na ..
araw na pinakahihintay
ko sa buong taon ..
ay narito na ..

dahil isang taon na nga ..
ano to ?
dapat bang magsaya ?
o tama na at lisanin ka ?

kahit hindi sila sumang'ayon ..
sa ating relasyon ..
basta't masaya ..
chox na !

hindi ko lubos maisip ..
kung paano mo'ko binago ..
tuwing kasama ka ako'y nag-iiba ..
para bang may sanib ng pag-ibig tuwing nariyan ka ..

hindi naman ako gan'to noon ..
hindi ko sinseryoso ang pag-ibig nila kung tawagin .
linalaro ko lang 'to ..
parang patintero ..

ngunit ikaw ang nagbigay importansya ..
sa pag-ibig kong akala ko wala na ..
ikaw ang pinakamatagal kong nakasama ..
sana hanggang kabilang mundo ya ikaw na nga ..

ngunit tayo pa naman ay bata pa ..
maaaring ang pag-ikot ng mundo ay mag-iba ..
kaya't hanggang tayo pa ..
sagarin na natin ang saya ..

ngunit ito ang pagkatandaan mo ..
di ako magbabago ng ganito ..
ng di dahil sa'yo ..

14 September 2010

PRODUKTONG PINOY !

  • ice candy ( flavor : santol )
  • aircon ( yelo ang nagpapalamig )
  • katol ( durian scent )
  • headset na kasinlaki ng gulong ng bulldozer ( O. A.)
  • sapatos ( nasa loob ang sintas )
  • wall clock ( ang mga numero ang umiikot )
  • fluorescent lamp ( automatic : umiilaw lang kung nakapikit ka )
  • portable bag ( pwedeng dalhin kahit saan )
  • electric fan ( katawan ang umiikot )
  • very flat screen TV ( kasya sa bulsa )
  • ball pen ( ink color : white )
  • payong ( yari sa papel )
  • saming mahilig magsinungaling
  • miniature manila hostage crisis toys ( realistic )
  • seedless na mangga ( calamansi flavor )
  • CD/DVD ( carrier single : TO MUCH MATH WILL KILL YOU by jovit )
  • gatas na pampatigas ( tuhod )
  • motorsiklong de pedal
  • salted chocolate ( old gold )
  • tasty bread ( tinapay na colgate ang palaman )
  • sicky hanky ( panyo : may sariling sakit ..TB , AIDS , malaria etc.)
  • toothflavorite ( toothpick : available in monggo , adobo , caldereta and mechado flavors )
  • isnap ( napkin na may sariling dugo )
  • choks to go BAR-B-Q ! ( nasa stick ang lasa )


tangkilikin ang sariling atin ..mga produktong sa pilipinas lang makikita at PROUDLY MADE by Filipino Experts !










Made in the Philippines

NAKAKALITONG AKO !

maiksi lang ang buhay natin , kaya't gawin mo na ang mga bagay na ayaw mong gawin. kung masipag ka , bat di mo subukang maging tamad ? masaya 'yun ..lalo na kung hndi ka masipag .subukan mong tumawa kung naiiyak ka , tumakbo habang naglalakad at kapag wala kang ginagawang mali ay itama mo ito. ibulong mo sa hangin ang mga bagay na gusto mong isigaw ..waaaaaashhhhhhh ...nakakalito ? gaya ng buhay ..nakakalito talaga , mahirap unawain ..parang gusto mong mabuhay ngunit ayaw mo ..kung ganito ka mag-isip ay maswerte ka ngunit malas ng konti ..ang mga taong matatalino kapag bobo sila ay nalilito din minsan ..parang ako , nalilito..kaya ko naisulat 'to ..ang gulo nu ??

13 September 2010

hulaan niyo 'to ..

L _ _ _

clues :
  • kitang-kita na man siguro na four-letter word 'yan nu ?

  • ito ang una mong nararamdaman sa isang taong gusto mo

  • ito ang nagpapatakbo sa isang relasyon

  • ito rin ay isang kasalanan

  • ito rin ay maaaring bumuwag sa isang relasyon

  • kapag may kasintahan ka at meron ka rin nito sa iba ..naku certified salawahan ka

  • english word ito

  • ano ito ?



-- deadline : maya-maya na ..


ANSWER : L U S T

ISMAYL !

sabi nila na kapag may problemang darating sa'yo ay ngumiti ka lang ..

kung walang assignment ..ngiti
kung walang pera ..ngiti
kung hindi pumasa sa exam ..ngiti
kung binasted ng nililigawan ..ngiti
kung nagugutom ..ngiti
kung may kaaway ..ngiti
kung hinostage ..ngiti
kung pinalayas sa bahay dahil wala ka raw silbi ..ngiti
kung nakita mong may ibang kasama ang mahal mo ..bigti
..ngunit nakangiti ka pa rin ..

kapag pinagalitan ni ermat dahil hindi nakapaghugas ng plato ..ngiti
kapag late sa first period mo ..ngiti
kapag nasa 5th floor ang room niyo ..ngiti
kapag walang ngipin ..ngiti
kapag tinatanong kung ano ang square root ng 69 ..ngiti
kapag binabangungot ..ngiti
kapag pinagtatawanan kasi ngiti ka nang ngiti ..
ngumiti ka pa rin..

kahit bungal ..ngiti
kahit pangit ka ..ngiti
kahit mahirap ka ..ngiti
kahit walang trabaho ..ngiti
kahit tamad ka ..ngiti siyempre
kahit sinisisi mo sila dahil sa kahirapan mo ..ngiti
kahit bulok ang sistemang 'to ..ngiti
kahit na hindi na tayo umuunlad ..ngiti
kahit walang tigil ang corruption ? ngingiti ka pa ba ?

ang pagalaw ng labi at ng pisngi paitaas ! na may kasamang pagniningning ng mga mata ..
ang pagngiti ay nagpapakita ng pagkakuntento mo sa isang bagay ..kontento ka na ba sa kalagayang ito ?
totoong nakakawala nga ito ng problema ngunit ..pansamantala lang ..

12 September 2010


walang taong tamad basta't walang taong masipag ..

FREESTYLE TSONG !

walang pumapasok sa isip ko ngayon ..

pasensya na at kung ito lang ..

dahil kahit anong piga ang aking gawin ..
eeh wala talaga ..

tama na ang mga papuri ..
halos mabusog puso ko ..
muntikan na akong maniwala ..
at sana totoo ..

kahit walang pumapansin ..
ay sige lang ng sige ..
kahit walang marating ..
tuloy pa rin ..

dito ako masaya ..
ito ang mundo ko ..
tamad 'to ..
hindi gago ..

salamat sa lahat ng kaplastikan nyo ..
sa lahat ng kawalanghiyaan ..
sa lahat ng isnaban ..
at sa lahat ng siraan ..

sana maging masaya kayo sa mundong pinili nyo ..
gaya ng sa akin kung saan ako ang lang ang magaling ..
mundo ko ito ..
ako hari dito ..

wala akong pangarap ..
dahil ito pangarap ko ..
ang maintindihan ng ibang tao ..
na bilang isang tao ..



TAPOS !

09 September 2010

SEGUNDO by Dong Abay





Kung sa isang iglap, makalimutan ng Diyos

na ako ay isang manikang basahan.
At kanyang pagkalooban ng kapirasong buhay...

Hindi ko sasabihin, lahat ng iniisip
sa halip ay iisipin, lahat ng sasabihin.

Itatangi ko ang bawat bagay-bagay
hindi dahil lamang sa kahalagahan nito
kundi sa kung ano ang kahulugang totoo.
Ako'y matutulog ng kaunti at mas mananaginip
mauunawaan na sa bawat minutong pag-pikit.

Nawawalan tayo ng animnapung segundo ng liwanag...
liwanag... liwanag... liwanag.

Maglalakad ako kung ang iba ay ayaw humakbang
Mananatiling gising kung ang iba ay maidlip.
Makikinig ako kung may magsasalita.
Kung ako ay may puso, isusulat ko ang poot sa yelo
at maghihintay sa pagsikat ng araw.

Ang aking luha ang didilig sa rosas
Sa kanyang tinik dadamhin ko ang kirot
at ang pulang halik ng kanyang talulot...

Ipababatid sa lahat ng minamahal
na minamahal ko silang lahat.

Mabubuhay ako ng nagmamahal sa pag-ibig...
Pag-ibig... pag-ibig... pag-ibig.

Marami akong natutunan mula sa mga nilalang
Ngunit ang katotohanan, wala itong pakinabang.
Kahit pa ingatan ko, sa loob ng maletang ito
Malungkot ko paring lilisanin ang mundo...








"this is my favorite song from the former front-man of yano (Dong Abay) from the album "Filipino"..

suportahan po natin ang musikang pinoy "






Pasiyensya Po

may mga bagay talagang hindi kayang ipaliwanag ng siyensya , gaya ng mga ito :

  • naisip mo na ba na minsan ay wala kang iniisip ?
  • napansin mo na bang minsan ay walang pumapansin sa'yo ?
  • may nakausap ka na bang hindi nagsasalita ?
  • nasubukan mo na bang maglakad ng hindi gumagalaw ?
  • pumara ng sasakyang hindi pampasahero ?
  • tumawa ka na ba khit walang nakakaiyak ?
  • umiyak ka na ba ngunit wala namang nakakatawa ?
  • eh ang bumahing habang nakadilat ang mata ?
  • ang magshades kahit walang mata ?
  • manood ng TV habang nakatalikod ?
  • uminom ng kape na walang kape ?
  • may lakas ka ba ng loob na ilagay ang pangalan at mukha mo sa isang proyektong pera naman ng bayan ang ginamait ?
  • ang paghingi ng pera para magmukhang buwaya ?
  • ang kumain habang walang pagkain ?
  • nakaligo ka na ba ng walang tubig ?
  • At paano ipapaliwanag ng siyensya nyo ang walang tigil na patayan dito ?
  • ang mga pagluha ng dugo ng mga rebulto ?
  • ang paglabas ng langis mula sa mga estatwa ng mga santo ?
  • at ang paglipat ni Edu Manzano sa GMA 7 ? maiipapaliwanag ba gamit ang nga salita ng siyensya ?

Sadyang may mga bagay na na tanging tayo lang ang makakapagpaliwanag dahil tayo ang may gawa ..Huwag nating hayaang ang iba ang magsalaysay ng ating mga gawain dahil para ka na ring kumain nyan ngunit iba ang nabusog ..BURP ..excuse me ..


AYTOT ( EXPLICIT )

akala ko imposible ang makasama ka ..
noon , hanngang tingin lang ako sa'yo ..
swerte na kung ngingitian ..
sino ba naman ang mag-aakala?

hinintay kita ng medyo matagal ..
sulit na paghihintay ..
at nong ika'y napasakin ..
ako'y naging masaya pero konti lang ..

sa konting panahong tayo'y naging isa ..
napakaraming tao ang humusga ..
para bang naiinggit sila ..
at biglang tayo'y nagkailangan ..

madalas ang di pagkakasunduan ..
sinasakal natin ang isa't-isa ..
halos di na makahinga ..
kapag tayo'y magkasama ..

at ang panahon na mismo ang nagdesisyon ..
sinadyang wala talagang komunikasyon ..
wakasan na natin ang drama ..
tapusin na ang pagdurusa ..

ngayon ? ako'y maligaya na ..
dahil nakawala sa hawla ..
pag kasama ka ?
akala ko kasi tuloy-tuloy na ang ligaya ..
nginit hindi pala ..
ang masasabi ko sa'yo ..
isang malaking HAHA ..
at isa pa HAHA ..

kung may ipapalit ka man lang sa akin ..
sana ay yung may itsura din ..
gaya kong gwapo din ..
at wag yung mumurahin ..

08 September 2010

Dahil Dito ang Saya

nakamotorsiklo ..
nakakotse ..
naglalakad ..
BANG !
may patay na naman ..
wala na bang humpay ito ?
hindi ba't talagang halata na ?
silang dating ikinulong
ang mga tinitira ..
mga nagbagong buhay ..patay ..
mga kakalaya lang ..patay ..
at mga napagkamalan lang ..patay ..
tapos sasabihing walang PRIVATE ARMY ?
ano pala ?
isolated cases lang lahat ?
ano'ng ginagawa nila ?
hihintayin pa ba nilang maubos na ang mag tao dito ?
solusyunan na !
o baka isa sa inyo ang may pakana ng lahat ng ito ..
pero sana hayaan na angg mga alagad ng buwaya ang humuli ..
at wag nang hayaang maraming pamilya ang mangungulila ..
pero di ko naman kayo masisisi eeh ..
dahil ipinagbababwal ang dahilan ng lahat ng ito ..
at siyempre dahil sa pera ay salat ..

06 September 2010

who's stage ?

nakita mo ba ?
nagalit sila ..
kasalanan ng isa ngunit nadamay parin tayo ..

natatakot na sila ..
subalit hidi tayo terorista
na dapat katakutan ng mga turista ..

ang bansang ito
ay hindi ang pinakamapanganib
na lugar sa mundo ..

maaari ring mangyari
ang insidenteng 'yon
sa ibang bansa !

hanggang ngayon
laman pa rin ito
sa mga balita ..

sila na nagalit ..
matagal kung magpatawad
dahil iba ang kultura nila

ehh..paano ang melamine ?
lead poisoning ?
hah ?

ito ay opinyon ko lang ..
ngunit , bakit ?
ano ba 'yan ..





sino ba talaga ang may pagkukulang ?
siya na hindi nagpakita ?
siya na salarin ?
siya na di umanoy nag-utos ?
siya na hindi marunong manghuli ?
siya na sa mga drill lang magagaling ?
siya na di sinupurtahan ang mga kagamitan nila ?
siya na nag'interview ?
siya na nanghingi ng P150,000 ?
siya na walang pera ?
o siya na ginising niya sa katotohanan ?

01 September 2010

tsee

isa sa mga nakakaawang bagay sa mundo

tinatapaktapakan lang natin sila

at laging mababa ang tingin natin sa kanya
di ba't siya ang nagpoprotekta sa'yo ?
di ba't siya ang sumasalo sa mga nakakasakit dito sa lupa ?

at may iilan na pinaglalaruan lang siya
tintapon.kukunin tapos ibabato ulit
ngunit sa kabila nito ..meron rin namang alagang-alaga siya
palaging nililiguan ..pinupunasan ..

at kahit may butas na ay dapat nating tanggapin siya
huwag natin siyang sunugin para pansaing ..
kahit maputol pagkatapos ng basketball..
at kahit mahilis sa takbuhang mabibilis ..
walis ..kis-kis..bis-bis ..waley !

tsinelas ng ina mo !