12 May 2011

Hindi Gaya Sayo

hindi madaling gumawa ng isang mahirap na tula 
lalo na kung kasintunog nung sa kanya
talagang mahihirapan ka kung iisa ang inyong tema 
hindi talagang madali , talagang mahirap siya

kailangang maingat sa bawat salita
di dapat tula mo'y may kamukha
magkukunwari , parang mag-iisip pa
ang katotohana'y . blanko talaga

kukuha ng panulat at sa papel ilalapat
mga matatalinghagang salita na di karapat-dapat
naninigurado baka ang bilang ng saknong ay di apat
mabubulaklak na mga letra na animu'y pambanat

alam ko naman na alam mo na
ikay tumutula lang kung ika'y nakatulala
kung di naman ay kung sa pag-ibig ika'y nasaktan 
kaya't sa tula na lang ibubuhos ang nararamdaman

ito .. talagang ika'y matatamaan 
dahil alam ko ring sa tula mo'y may pinatatamaan
mga kaklase . politiko . guro . pamilya't magulang
pero ang kadalasan ay ang iyong kasintahan

kahit anong istilo pa ang iyong ginagamit
sa paggawa ng tula di kailangang sa salita mo'y malimit
ang mahalaga'y mailabas ang matagal nang iniipit
siguradong gagaan ang pakiramdam at talagang walang sabit

sa palagay ko'y huli na yata ito
ngunit di ko pa rin naiisip ang ang pangalan nito
sana'y pangalanan mo rin ang tula mo
at ang sa akin , tatawagin kong "Hindi Gaya Sayo"

13 March 2011

Payong Nga Naman

 isang gabing maulan at ako'y basang-basa
kumuha ng payong sa bag , ngunit bag pala'y wala 
naghanap ng masisilungan , ba't ngayon ko pa naisip ?
at ngayon parang basang sisiw nangangatog pa sa nginig 

tinignan ang paligid ngunit ako pala'y nakapikit
nang biglang may narinig na isang munting tinig
"gusto mo bang sumukob?" sampit ng dalagang marikit
saan kaya ako susukob ? wala naman siyang payong na bitbit


inalok siya na sumilong sa aking sinisilungan
at agad-agad naman niya itong pinaunlakan
mga nangungusap niyang mata ay aking pinagmasdan
ang lamig sa paligid ay di ko na halos maramdaman

sa di malamang dahilan ang payong ay biglang nakita
sa aking bulsa na kanina ko pa pala dala 
bakit ang payong sa bulsa ay nagkasya ?
ewan ko ba , bulsa siguro ni doraemon ang gaga 

dumako na naman tayo sa kabilang dako ng estorya
doon sa babae na ngayon ang mukha'y di maipinta
gusto na daw niyang makauwi sa tahanan nila
tamang-tama payong koy ilalabas ko na

muli siyang inalok , halika na dito sa payong ko
tiyak dito sa payong ay magkakasya tayo
wala na siyang pagpipilian kundi samahan ako
sumama naman siya at natuwa naman ako

nung kami ay naglalakad na gamit ang payong na maliit
isang malakas na kulog ang bigla naming narinig
napasigaw siya nang malakas at nanginginig 
pagkakataon ko na , siya'y niyakap ko nang mahigpit

at nung nasa tapat na kami ng bahay nila
oras na para maghiwalay ang sabi niya
agad namang may lumapit na may payong ding bitbit
isang lalaki na asawa pala ng babaeng marikit

oh kay saklap talaga nang aking buhay 
inuwi ko na lang sana siya , para siya na ang aking maybahay
ngunit sadya talagang may mga ganyang bagay
hinahawakan mo na ngunit sa iba pala Niya iaalay

29 January 2011

Agenenagon?

nahagilap ko ang aking sarili na nakaupo sa mga silyang dati nating inuupan 
nakatingin sa pisarang pinagsulatan ng mga bagay na makabuluhan 
iniikot ko ang aking paningin at natigilan sa bentilador na dati'y pinag-aagawan
at sa mga maalikabok na mga bintana muling nakita ang dating halakhakan

ipinikit ang mga matang mapanghusga at aking nakita ang isang silid na puno ng basura
muling narinig ang ingay ng hindi mabilang na salitang lumalabas sa bunganga
at may biglang mabaho .. naamoy ang mabahong palikurang noo'y ating kinaiinisan
at muling nadama ang pakiramdam na dito ko lang nadama sa tanang buhay ko

lumabas at naglakad .. pinagmamasdan ang mga bagay-bagay sa paligid
iniisip kung meron bang alaalang maaalala mula sa mga bagay na ito
mga puno , mga bato .. may maaalala pa ba kaya ako dito ?
hindi malaman kung paano nawalang bigla ang bagay na sa akin ay sumisimbulo 

sa di malamang dahilan .. ako ay nagulat sa aking nasiliyan
isang pangalan na noo'y kinamumuhian ang muling nakita at nakasulat pa sa mga upuan 
kinuha ang isang bato .. hinawakan at hinimas ko ito tinignan at aking ibinato
walang taong natamaan pero isang kantin na noon akoy pinagbilhan ng panis puto ay oo ..wasak !

kaysarap balik'balikan nga mga kahit anong di ko alam , ansarap sariwain ng mga sandamukal na di ko akalain
kahit wala na .. pero parang nariyan pa , sanay hindi na lang ako tumanda at nanatiling bata
wala lahat ang meron lang ay kayo .. kayo .. kayo .. at ako ..
isang miyembro ng kakaibang grupo ,  na itatago natin sa pangalang agoncillo ..

09 December 2010

Kaarawan lang naman

kaarawan ay sadyang dumarating nang hindi namamalayan
parang nung isang araw lang ay yung nakaraang kaarawan
edad at taon ay madaragdagan na naman
pwede bang wag na lang ?

kaysarap ibuhol ng kahapon sa ngayon 
noong sumasabay pa lang ako sa alon
walang problema at palagi lang patalon'talon
pero ang kahapon ay sadyang di na makakarating sa ngayon

maaari bang ulitin ang mga araw na ako'y isa pang manlalaro ?
nang trumpo , taguan , patintero at tumbang preso
kaligayahan ko lang ang di mataya sa kahit anong larong ito
pero kapag sa akin na ang torno , parang guguho na ang mundo

gulang na pinakaiingatan ay muling madaragdagan
ng isa pang taon ng hindi kasiguraduhan
sa mundong walang makitang lagusan
sa daigdig na nilikha Niya na atin namang dinudungisan

wala akong tatanggaping kahit anong regalo sa araw na 'to
ang nais ko lang ay bigyan nyo pa rin ako kahit ayaw ko
sapagkat sayang lang ang regalo kung walang pagmamahal ito
at kung wala talaga , maari bang ikaw na lang ang mahalin ko ?

sanay ako'y inyong tulungan sa paghahanda ng wala naman
upang kung dumating ang nino man , may ipapakain akong wala naman
gusto ko lang naman na masaya ako , ikaw at tayo sa aking kaarawan
kaysarap kaya sa pakiramdam kung walang kalungkutan ang masisisilayan

kung nagbabalak kang bumati sa akin
dapat ay alam mo ang petsa , yan ay yung siguraduhin
wag ka lang umasa na ika'y may makakain
pagkat sa aking araw ay T5 ang aking ihahain

walang hanggang pasasalamat para sa inyo
wag kayong mag'ingat baka tanga kayo
kung ito man ang huling kaarawan ko
kitakitz na lamang tayo doon .. sa empyerno ..

06 December 2010

HEKASI FOR GRADE 10

     Paano kaya kung walang buwan at araw ?
     Wala ring gabi at umaga ..
     Walang taon ..


             Walong taon na ang nakalipas noong una kong narinig ang HEKASI , ang asignaturang tumatalakay at pinakikialaman ang Heograpiya , Kasaysayan at Sibika . paano kaya nalaman ng mga manunulat ng libro na sedula nga ang pinunit ni Apolinario Mabini at hindi ticket sa lotto ? paano rin kaya nila nalaman na ang unang mga taong nairahan sa Pilipinas ay mga Malay ? aba'y malay ko .. so I therefore conclude mga tsismoso sila !  Siguro ay alam rin nila kung sino ang unang Pilipinong tumawa .. sino kaya ? paano kaya nila nalaman na ang buong tunay na pangalan ni Jose Rizal ay "JOSE POTTASIUM ALINSHUM REALONDARIUM RIZAL"? sana alam rin nila at kanilang ipinalam sa lahat kung ilan nga ba ang mga mapuputing buhok ni Manuel L. Quezon .. at kung paano tinalo ng mga magigiting na Plants ang mga Zombies.
         
               Hinding hindi mawawala ang mga abbreviations pagdating sa exams at quizzes sa HEKASI  .. narito ang ilan sa mga natutunan kong mga abbreviations . 


DOE - Department of  Engineering 
DepEd - Don't Eat Pets Especially Dogs
MMDA - Metro Manila Direct Assault
DOH - Departure of Hulk
BIR - Basket Interference Rule
UNESCO - UNlimited NEtworking Social City Ordinance


               Sana isinali nila sa mga bagong libro ang mga ito : DDS , FB , YM , SMB , NBN , IBC , ABS-CBN ,GMA at CP . Sana nga para may matutunan na bago .


               Sa Hekasi ko rin nalaman na ang ating mundo pala ay hindi talagang bilog na bilog . at ang tawag sa hugis ng mundo ay " OBLAGATE SPEEDJONG " .Pero paano kaya nila nalaman na ang north pole ay nasa hilaga ? na ang kanluran ay ang direksyon kung saan marami ang pakialamero ? at kanina pang tumatakbo sa isip at laman loob ko na kung bakit ang Pilipinas lang ang natatanging mahirap na bansa na kung saan halos lahat ng tao ay ma cellphone at may FB account ? at sana ay maisulat at maibahagi rin sa lahat kung bakit naghihirap ang mga mahihirap habang ang iba'y naninirahan sa isang bahay na malaki pa sa kanilang pag'unawa ..HEKASI politiko .. kaya siguro ganun ..

03 December 2010

Ang Dahon Na Magaling

berde ang kulay ng dahon na magaling .
magaling magpagaling ng mga sakit na di napapagaling ng mga magagaling na doktor .
galing ito sa lupa pero sa hangin inililipad ang sobrang hindi naipasok sa katawan .
mabisang lunas sa sakit sa puso , lalo na kung ang puso mo ay may sakit .
madali lang itong gawin . sundin mo lamang ang mga ito :

 pumitas ka nang nasabing dahon ( ang dahon na magaling ) 
 ilagay ang dahon ( ang dahon na magaling ) sa ibabaw ng kahit anong bagay na may ibabaw at pumitas ng konting araw 
 pagkatapos maarawan ng dahon ( ang dahon na magaling ) utusan mo ang iyong nanay na kumuha ng bibliya .. nakuha mo na ba ? kapag nasa iyo na ang bibliya  , paalisin mo agad ang iyong nanay o ikaw na lang kaya ang umalis .. ipagpalagay natin na nakaalis ka na nga sa nasabing lugar at siguraduhin mong walang nakasunod sa iyo .. baka di tumalab ang dahon ( ang dahon ni baleleng ) at di ito umepekto , sayang naman . pumunit ka ng isang pahina ng mahiwagang libro na kanina mo pang bitbit . ilagay sa gitna ng papel ang nasabing dahon ( ang dahon na magaling ) at lukutin ang papel na parang sigarilyo at sindihan mo agad . bilis . close up please , make sure walang bulok .. next .. hithitin mo  .. tapos sindihan mo ....mali , sindihan mo muna saka mo hithitin ..kung may usok na lumabas ay wag kang magtataka .. dahil di ka tanga , sinindian mo yan kanina . hithitin mo ang usok , siguraduhin mong walang makakawala .. lunukin mo .. pagnaubos mo na , umuwi ka sa inyo .. umupo ka sa ibabaw ng mesa kunin ang salamin at titigan ang iyong mata .. namumula at namumungay diba ? yan na ang palatandaan na magaling ka na .. tumawa ka .. tawa ulit .. ganyan .. ok na .. magaling ka nang gumamit ng dahong magaling .. ibahagi mo sa iba ang iyong natutunan ha ? cge ingat :)

19 November 2010

AN AT AP

kailan ba kita mahahawakan ?
talagang ika'y suntok sa buwan
pagkat labing anim na buwan
na kitang pinagmamasdan
ni hindi mo nga ako nginitian
pero sana ako ay iyong pakinggan
hindi kita iiwan
sumpa man kahit ika'y ganyan
hindi kita tatawaging 'pasayan'
pagkat mula ulo hanggang talampakan
diyan kita nagustuhan
kahit meron man akong makasuntokan
basta't ikaw ang aking ipinaglalaban
wag lang tayong umabot na ako'y pagla lamayan
dahil ibang usapan na 'yan
matagal na kitang pangarap
kahit noong pangulo pa si erap
ngunit talagang napakahirap
ang hirap mong mahagilap
basta't mula sayo kahit 'uyap'
ako'y talagang sarap na sarap
kahit isa man lang sulyap
na mula sa iyo'y para sa'kin ay masarap
kahit ika'y sanay sa sarap
at ako'y buhay mahirap
pag ako nakasama para kang nasa alapaap
maglalakbay tayo sa ulap
kukurutin natin ang mga kulisap
mga masasamang kulisap
na sa akin ay gustong humarap
pero bakit masaklap ?
sa facebook aking nakalap
'in a relationship' ang status ..talagang masaklap
talagang hindi ko matanggap
titrahin na lang kita pag nakasali ako sa fliptop
pero salamat na rin at ako'y nakahanap
ng isang  bago kong pangarap
na mananatili paring isang pangarap
kahit hindi siya masarap
ayos lang basta't madaling mahingan ng softdrinks na POP
kaya para sa kanya isa pa ring ..klap ..klap ..klap ..