22 September 2013

Tatlong Oras na Pag-ibig

Nag-iinit ang katawan kahit na maalinsangan
Naghahanap ng mapaglalabasan
Upang init ay maibsan
Bugwak!

Saan nga ba pwedeng itutok ang nadarama
Saan nga ba pwedeng ibulsa
Saan kaya makakaisa
Aaaah!

Lintik 'tong gan'tong problema
Puson ay parang sasabog na
Tang ina! Nasaan ka na
Bugwak!

Diretso ang paglalakad kasama ang bagong kakilala
Katawa'y lumiko na lang ng bigla
Ito na ang hinahanap kanina pa
Aaaah!

Pumasok sa isang kwartong walang bintana
Ikinandado kasama ang isang estranghero
Mag-uumpisa na ang dwelo
Bugwak!

Parang asong ulol na pinaghahagkan
Labi, leeg hanggang sa talampakan
Walang pakialam, walang alam
Aaaah!

Ito na ang hinhintay, humanda sa pagpasok
Hinimas, binasa at saka itinutok
Sapol! Pormang tatsulok
Bugwak!

Tatlong oras ay napakadaling lumipas
Pinagsawaan hanggang kumupas
Kaybilis ng gintong oras
Aaaah!

Lumabas sa kwartong makasalanan
Naghiwalay, di alam ang pangalan
Hindi umimik, lumiko sa kanan
Bugwak!

Tatlong oras na pag-ibig ang tawag dito
Mauulit kaya ang kasalanang 'to
Makakapasok pa kaya ako
Aaaah!


18 September 2013

Isang Hakbang

Isang hakbang na lang ako'y makakalaya na
Mula sa kahapon na sa'king isip nakataga
Ang panibagong yugto ay nasa aking harapan
Yayakapin ko ito at marubdob na hahagkan

Isang luha na lang at ako'y magiging masaya
Tatawanan ko na lang ang mga alaala
Ang aking sarili ay muli kong ibabangon
Mula sa malalalim na pagkakabaon

Isang tawa na lang at ito'y tuloy-tuloy na
Hanggang sa mawalan na ako ng hininga
Mamamayapa ang mga walang silbing luha
Ilalaan ang natitira sa taong tama

Isang hakbang, isa na lang!
Isusulat sa papel, iguguhit sa pader
Isasambulat sa sambayanan
Na isang hakbang na lang ang kalayaan

15 September 2013

Oh Wag!

Biyernes. Halata ang mga kilos. Nagmamadaling umuwi. 
"Oh wag! Wag kang magduda sa kanya." Sabi sa sarili.
Pinabayaan. Hinayaang di makita ang mga ngiti.
Isang umaga. Nakita. Larawan. Agad nagduda.
Biglang nagalit. Nagngingitngit dahil sa init.
Isa pa. Kailangan ko pa ng isa. Isang pruweba.
Inanyaya. Agad pinuntahan. Kabilang mesa. Nakita.
Nasilayan. Aking nakita. Pamilyar na mukha.
Inusisa. Agad nanghusga. Ang iksi ng damit niya.
Pula. Kulay pula. Puti. Maputi ang balat niya.
Mukha. Mukhang matagal. Matagal na talaga.
Kapit-bisig. Iisa ang mga bisig. Kapit-bisig sila.
Natawa. Ako'y napatawa. Ayon! Kitang-kita.
Duda. Tama ang aking hinala. Oh wag!
Di mapigilan. Oh wag! Masakit na ang tiyan!
Oh wag! Cge igalaw mo pa. Oh wag! 
Nag-umpisa. Di pormal ang simula.
Nagtapos. Duda ko ay tama.
Simula. Inumpisahan sa paghihinala.
Natapos. Nagtapos na tamang hinala.
Oh wag! Wag nga naman. Di mapigilan.


07 September 2013

Sining

Ang diwa mo ay paliparin
Palayain ang pagkamalikhain
Hawakan mo ang panulat
At sa papel ay ilapat

Nialalaman ng isip at puso
Huwag magpatangay sa usok
Iguhit sa mga ulap
Ang mga natatanging pangarap

Hayaang igalaw ka ng musika
Kantahin mo ang mga letra
Isigaw mo na ika'y makata
Kahit hindi masyadong halata




05 September 2013

Konsensya

Araw ay sumisisikat
aking mata ay ididilat.
Pagkain ang problema 
ng taong salat.
Wala akong trabaho
na pinagkakaabalahan.
Isang tasang kape
aking hahagkan.
Pagkatapos magligpit
ay matutulog ulit.
Hanggang sa akin
may kumalabit.
Aking konsensya na 
sa komersyal ko lang nakikita.
Aking pangalan
kanyang isinampit.