sa tatlong piso'y may gagawin, ihuhulog at sisimulan na natin
hindi pangkaraniwan ang ilalathala, ang ingay nang mga bata
kumakanta, nagrarap habang ako'y pumipindot at nangangarap
di alam kung uulan, dag-um na man pud. Pastilan!
himig ang kinakanta habang ang isa ay kanta ni Mike Kosa
tutunog ang makina, ihuhulog ang isa pa
itutuloy na ang kantahan habang papalapit na ang ulan
magbabarilan, magpapakain nang dragon kahit di na uso 'yon.
sa kabilang dako, may isa na walang maiihulog
tumitingin, nagmamasid kung sino ang unang mauuntog
ngunit ang mga kamay ay makati, pilit na guguluhin ang katabi
may iiyak, may matutuwa, may isa na walang magawa.
sa inihulog kong tatlong piso'y may naisalita
sa inihulog ko'y may yayaman bigla
sa likod ko'y tatawa't iiyak ang mga bata
gigisingin ang natutulog para lang magpabarya
1 comment:
relate much hahahah
Post a Comment