26 December 2012

Isa Para Sa Pasko

   Maghihintay na naman tayo nang 'sang taon para muling madama ang kaligayahang dulot ng Pasko. Isang taon. Isang taon na lang masaya na naman lahat. Walang awayan, puro kasiyahan, maraming inuman at kainan. Maraming sasakit ang tiyan, mga lasing sa daan pero mas marami ang mga batang mga pasikat dahil meron silang bagong damit at laruan. 

   Akala ko madaragdagan na ang aking GADYETS netong paskong ito. Pero hanggang akala pa rin. Walang nadagdag pero ang mas masaya ay wala rin nabawas. Mabuti pa 'yong iba, andaming regalong natanggap, pero hindi na rin masama nung nakatanggap ako ng Lapstops at Ayfons sa aking panaginip kanina!

  Bakit nga ba? Wala. Wala na. Kapuy na........... Nakakapagod na ang magpindot nang pindot sa keyboard. Merry Christmas!! Maligayang Pasko!! ... Merry = Maligaya? xxx Happy New Year!! Manigong Bagong Taon!! ... Manigo = Happy? Greyd wan ako nung mapansin ko 'yan. Hanggang ngayon para akong tanga sa kaiisip kung bakit ganyan 'yan habang ang iba ay alam nila na tama yan. Talaga na mang tama 'yan. Gusto ko lang na mali ako.

   Ngunit ba't tuwing pasko lang? Tuwing Pasko lang tayo nagiging ganito? Na ganitong masaya lahat. 

  AT bakit nga ba mas masarap kainin ang mga pagkain ng kapitbahay kesa sa ating handa t'wing Noche Buena?

18 December 2012

My Gadyets

Napansin ko kasi na uso na sa mga social networking sites ang pagkuha ng litrato ng mga latest gadgets nila. Ipapakita ko lang po sa kanila ang sa akin. Hindi latest pero My GADYETS!!!



Silpon ng bayan at baller na ibinigay noong nakaraaang eleksyon.


may ilaw pa!


remote ng bayan at charger ng bayan.


likod ng remote ng bayan at harap ng charger ng bayan..



Marami pa akong gadgets pero nasira na. Karamihan sinasabi nila na kailangan nila ang mga ito pero ang totoo gusto nila ang mga ito dahil ang iba'y nagkaroon na. Pero mas astig parin ang sa akin, hindi mamahalin. Mura lang , sa sobrang mura , ikaw ay di mapapamura. 

05 December 2012

23 November 2012

Lumad, Yu Mad?

  Papalapit na naman ang pasko. At tuwing sasapit ang kapaskohan ay talagang pasko na. Dito sa amin sa Davao ay bumababa ang ating mga kapatid na mga katutubo o Lumad mula sa bukid para manaygon o mangaroling. Namamalagi sila sa mga gym ng mga barangay para meron silang masilungan at ito ang nagmimistulang headquarters nila.

  Andami nila, damtrak ang kanilang sinasakyan papunta sa kanilang mga headquarters. Nagmimistulang pyesta kapag andito na sila. Nakakatuwa kapag makikita mo silang kumakanta ng Pusong Bato sa mga Videoke, sumasayaw ng budots, at nagsasaya habang umiinom ng tuba.

 Pagkatapos nilang mangaroling ay do'n sila natutulog sa mga gym. Kahit na malaki ang gym, nagmimistulang sardinas parin dahil literal silang nagsisiksikan para makatulog lang. Ang iba ay sa labas na lang natutulog. May mga batang Lumad na nagkakasakit dahil wala silang maayos na matulogan. Tama pa ba na sila'y pababain dito para lang mangaroling? 

  Nakasanayan na nang mga tao dito sa Davao na kapag nangangaroling na ang mga Lumad ay binibigyan namin sila ng mga gamit. Mga gamit na nagamit na, mga damit na konting gamay na lang ay basahan na. Mga pagkain na kulang sa sustansya. Instant noodles, sardinas at iba pang mga de latang pagkain. Mas masustanya pa nga ang kanilang kinakain do'n sa bukid eh.

  Tama pa ba na pumunta pa sila sa syudad, kung wala naman silang maayos na matutulugan? Tama pa rin ba na kailangan pa nilang mangaroling para lang magkaroon nang mga bagong lumang damit? May nutrisyon ba ang mga binibigay nating pagkain sa kanila? Tama ba? o Tama na? Abangan sa darating na kapaskohan.

  
     

12 November 2012

Sino Megawa Neto?

Ang mga sumusunod ay ang mga nakikita nating nakatuwang mga bagay dito sa internet. Nakita ko kanina. Ipapakita kosenyo.. 




(1.) Ano to?

sSsSsSsSs
sSsSsSsSs
sSsSsSsSs

...
pancit canton na dpa luto.

Eto?
¡ ~
¡ ~
¡ ~
¡ ~

uod yan,may karera cla.

Eto,ano nman?

00[ (:{) ]

lata ng pringles natumba e may laman pa.

Eto, ano?

@@@@@

limang katol yan.Ito, alam mo b?

( +.[ ] :: )

PSP!

Eto, alam mo?

[[[[[[

6 na bala ng stapler.

At eto?

. . .

top view ng tinidor






(2.) 
A repost: pasakitan ng utak kung ganito ng laman ng questionnaire sa examination! hahahaha..


[1] Kung ikaw si Batman, sino ang bahala sa yo? Give three examples.
[2] Ano ang mas malaki? BAG NI DORA o BULSA NI DORAEMON? Ipaliwanag.
[3] Sino ang kumagat sa logo ng Apple, at bakit hindi niya ito inubos?

[4] Kung may UPCAT, bakit walang UPDOG? Elaborate.
[5] Sa produktong Crayola, ano ang pinagkaiba
ng yellow green sa green yellow? Expl
ain usin...g logarithmic functions.
[6] Kung ang 1 kg ay may 1000 g, ilang grams naman ang meron sa Instagram? Show your solution.
[7] Kung sa Kasaysayan ng Pilipinas may “”Panahon ng Amerikano, Hapon, Kastila at Pre-Colonial”, kailan naman matatagpuan ang Panahon ng Kopong-kopong? Ilahad ang mga mahalagang pangyayari at magpakita ng archaeological evidences.
[8] If men are from Mars and women are from Venus, bakit sila nagpunta sa earth?
[9] Should you give up or should you just keep chasing pavements? Expound.
[10] Ano ang meron kay Brand X at galit na galit ang ibang brand sakanya? Explain.
[11] Masasabi mo bang fair ang Ms. Universe kung lahat ng contestants at judges ay galing sa Earth? Explain.
[12] Gaano kataas ang lipad ng Whisper with wings? Graph your solution.
[13] Kung may mag-imbento ng powdered water, anong idadagdag mo?
[14] Kung walang kamay ang mga ibon, then why do birds suddenly APIR? Ipaliwanag.
[15] Sabi ng iba, napuntahan niya na lahat ng sulok ng mundo. Paano mo masasabi na may “sulok” ang mundo kung Oblate Spheroid naman ang hugis nito? Explain and draw your answer on a 1/4 sheet of graphing paper.
[16] May nalunod na ba sa lalim ng gabi? Kung meron, enumerate.
[17] Bakit ang tawag sa *building* building kung tapos na siya? Justify.
[18] Is this the real life? Or is this just fantasy? EXPLAIN.
[19] Gaano kadalas ang minsan? Enumerate.
[20] How did Adele set fire to the rain? Write the chemical formula.
[21] Kapag ang ipis nahulog sa tubig na may sabon, dudumi ba ang tubig o lilinis ang ipis?
[22]Bakit pababa nang pababa ang ispaghetti? Explicate using Newton’s Law of Gravitation.
[23] Does the moonlight shine on Paris after the sun goes down?
[24] Kung ang nakatusok na baboy ay barbeque, ang nakatusok na saging ay bananacue, bakit ang kabayo, carousel?
[25] Ilan ang butas sa isang cracker ng skyflakes? Illustrate.
[26] Kung ang tao nagmula sa unggoy, bakit may mukhang kabayo? Explain.
[27] Nauuhaw din ba ang mga isda? Ipaliwanag.
[28] Bakit pag rush hour tsaka mabagal ang daloy ng traffic? Explain your answer using sign language.
[29] Nasaan ang Edge of Glory? Write your final answer in nautical miles.
[30] In 140 characters, ibuod ang talambuhay ni Jose Rizal.
[31] Ang breakfast ba at dinner, pwedeng ilagay sa lunchbox? Prove your answer.
[32] Kung si Corazon ang unang aswang, pang ilan ka?











(3.) Mga tga StreetFighter nakita sa Episodes ng GhostFighter.










nakakatuwa diba? sino kaya ang may gawa nang mga ganito? antalino naman nila.. hehe. ok bye.


07 November 2012

Hulog Piso

sa tatlong piso'y may gagawin, ihuhulog at sisimulan na natin
hindi pangkaraniwan ang ilalathala, ang ingay nang mga bata
kumakanta, nagrarap habang ako'y pumipindot at nangangarap
di alam kung uulan, dag-um na man pud. Pastilan!

himig ang kinakanta habang ang isa ay kanta ni Mike Kosa
tutunog ang makina, ihuhulog ang isa pa
itutuloy na ang kantahan habang papalapit na ang ulan
magbabarilan, magpapakain nang dragon kahit di na uso 'yon.

sa kabilang dako, may isa na walang maiihulog
tumitingin, nagmamasid kung sino ang unang mauuntog
ngunit ang mga kamay ay makati, pilit na guguluhin ang katabi
may iiyak, may matutuwa, may isa na walang magawa.

sa inihulog kong tatlong piso'y may naisalita
sa inihulog ko'y may yayaman bigla
sa likod ko'y tatawa't iiyak ang mga bata
gigisingin ang natutulog para lang magpabarya

05 November 2012

Gawain

Minsan, palagi. Minsan, dumarating na tayo sa punto nang ating buhay na wala na tayong nagagawa. Mga bagay na dating gawain ay di na natin nagagawa.  Mga bagay na dating gawain ay di na natin nagagawa. Inulit ko lang para cute. Gawain na ginagawa kapag walang magawa. Ginagawang gawain kung wala nang magawa. Hindi ko na inulit para di na cute. Ikaw? Ano ang iyong mga ginagawa kapag ika'y nag-iisa? o mga di mo magawa kapag ika'y nag-inusara? 

Ako? Ako nga pala ang klase ng tao na hindi kumakain ng mag-isa sa mcdo, jollibee, kfc, atbp.. baka kasi english magsalita mga tao doon, wala akong tiga translate. Hindi ako naliligo sa ilog dahil walang ilog na malapit sa amin. Hindi rin ako nanonood ng konsert kapag ako lang mag-isa kasi hindi na matatawag na konsert 'yon kapag ako lang ang nanonood. Tuwing gabi, hindi ako naglalakad sa mga madidilim na mag-isa,  gusto ko maglakad sa daanan at hindi sa kadiliman.

Ikaw? ANONSENYO? Bihin mo nga. Ra memasabi ka. 

03 October 2012

Sayberkraym!

sa ulo ay may kung anong pumasok.. kaya't nag-akda dahil siya ay nasangkot
inakusahang nanggaya nang mga salita mula sa 'sang politiko sa amerika.
mukhang nagalit at nagpasa nang isang batas upang ang tao'y ikadena
ang akala'y malaya ngayo'y nagmistulang nakagapos at di makapagsalita.

kung ayaw itigil, anong magagawa?
kung ipagpapatuloy, saan pupunta?
kung may pagkakataon, sa kalsada ipapakita.
ako'y guguhit nang taong nakabusal ang bibig at nakapiring ang mata.





09 August 2012

ASA (Akin, Sana'y Akin)

sa akin ay di nakapaghintay, sa iba nakitagay
ang dating magaling, ngayo'y nagpapakalasing
hindi sa panghuhusga, pero nasaan ang iisang salita?
ayokong magmura, pero putang ina.

sa akin ay di nakapaghintay, sa iba umakbay
ang dating nagsasalita, ngayo'y puno na nang pasa
hindi na ako natutuwa, ngawa ka nang ngawa
ayoko nang ganyan, 'yong palaging bihabaha ng luha

sa akin ay di nakapaghintay, at ako'y sinuway
ang dating nakaupo, ngayo'y binubuhat ang sariling bangko
hindi ka dating ganyan, bakit isinuko ang bataan?
kung sa akin napunta 'yan, ika'y pagsisilbihan

sa akin ay di nakapaghintay, sa iba ibinigay
ang dating walang malay, ngayo'y naging nanay
hindi sa panlalait, pero bakit sa pangit?
hindi sa pang-iinsulto, pero bakit sa myembro ng kulto?





10 July 2012

kung nonayngayon (Teknolohiya)

      Kayganda ng umaga ngayon. Di tulad noon na pagkagising ay kompyuter agad, ngayon ay iba na. Nakikinig ng radyo habang nagkakape, nagwawalis sa bakuran at naghihintay ng magdidiliber ng mga dyaryo. Kung noon may mga telebisyon, ngayon wala na at mas magagamit na ng mga tao ang kanilang mga imahinasyon. Kung noon ay sa internet nagsisiraan, naku! Iba na ngayon, harap-harapan na. Ibang-iba na talaga, malaking ipinagbago at napakadaling magkumpara. Kung noon sa text lang nagkakakilala ang mga tao, ngayon mas mainam na, dahil personal na nakikipag-usap at alam mo kung sino talaga ang mga kinakausap mo.

28 May 2012

TanongsHenyo

Ano kaya ang pakiramdam maging henyo? Ang maging isang Albert Einstein? na ayon sa Wikipedia ay isang Aleman-Swiss-Amerikanong pisikong teoretikal na kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang siyentista/siyentipiko sa ika-dalawampung siglo at isa sa pinakamahusay na pisikong nabuhay sa kasaysayan ng agham.


Ano nga ba ang henyo? Para sa akin, matatawag mong henyo ang isang tao kung napaaaaaakaaaaahuuuuuusay niya sa isang bagay o sa isang larangan. Halimbawa, yung kaibigan kong babaero. Magaling siya sa pagtatago ng mga kabit sa kanyang ibang mga nobya. Mga magnanakaw na di nahuhuli. Mga manghuhula na magaling tsumamba. At si Ely Buendia. Henyo sila.


Nagtanong ako kung ano ang masasabi nila sa mga henyo. Marami silang sagot: matatalino kasi raw alam nila lahat, bobo kasi puro libro na lang raw ang kaharap nila, nerd kasi may eyeglasses raw, bright daw ang future kasi ang kapasidad ng kanilang utak ay mas malawak kaysa sa mga normal na tao, boring kasi puro na lang daw study, maliliit daw ang utak dahil di nila ginamit ang kanilang mga katalinohan para magpakayaman at ewan kasi di nga naman daw sila henyo.


Mas mabuti pang maging mangmang at walang alam kaysa ang kanilang dunong ay pantayan. Ipinapakita lang nila na ang mundo ay tunay na di pantay. Tanong ko lang, kaya rin kaya nilang pamunuan ang isang bansang puro henyo rin ang naninirahan?




08 May 2012

DAYA

isang salita ang nagpabago sa kanilang mga paniniwala.
hindi ko raw kaya ang hindi mandaya.
mas mabuti nga yun! yung naniniwala sila na ako'y nandaraya kaysa isipin nilang wala akong ginagawa.

di ba nila alam ang kaligayahang naidudulot ng pandaraya?
pangongopya. pangongotong. pan de coco. atbp.
pandaraya 'yan.

kaysarap sa pakiramdam kapag dinaya mo kapwa mo.
pero masakit sa ulo kapag di ka nakatulog dahil nagawa mo ito.
subalit talgang mabigat sa loob kapag inaakusahan ka nila nito.

huwag kang matakot mandaya.
hangga't pwede pa!
kahit isang beses lang sa buhay mo'y ikaw ay maging malaya.

nawala ang kanilang tiwala dahil lamang sa mga nadinig na salita. 
bakit hindi na lang nila tingnan kung anong aking ginagawa 
para di na sila magduda sa aking mga pandaraya!



28 April 2012

Blurb

Saan nga ba napupunta ang mga hanger? Bakit ito palaging nawawala?
Kailan ba talaga magugunaw ang mundo? Sa December 21, 2012 nga ba?
Sino ba talaga ang tunay na nanalo? Bmeg o TNT?
Talaga nga bang binili na ni Manny V. Pangilinan ang GMA-7?
Paano nga ba natutulog ang kuba?
Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw?
Saan nga ba matatagpuan ang happiness?
Tunay nga bang hindi natutulog ang mga balita?

Sino ang tunay na baliw?
Bakit walang taong naglakas loob na gumuhit ng pardible?
Bakit walang 13th floor? bakit nga????
May sticker ka ba dyan? Penge naman!
Ang batas nga ba ay ginawa para suwayin?
o matagal na tayong sumusuway kaya gumawa sila ng batas?
Saan na nga ba ang barkada?
Meron bang ari ang mga langgam?
Bakit nga ba gumagapang ang mga langgam sa Luzon?
Habang ang mga langgam sa Visayas at Mindanao ay lumilipad?
Totoo nga ba ang mga hula nila sa akin?
Bakit ayaw ng tao ang kapwa niya?

Bakit may mga bagay na di masagot?
Bakit may sagot kahit walang tanong?

Ewan ko. Halina't basahin ang Blurb na nasa harap.
At hayaang maghari na naman ang mga katanungan sa mundong ibabaw!

24 April 2012

MMK!


"Matalino ka ba?", tanong niya.
"Mangmang 'yan!", sagot nung isa.
Kakainis naunahan ako.


Matalino bang maituturing kung wika nang mga dayuhan ang gagamitin?
Mangmang ba sa paningin ang mga taong nagsasalita gamit ang wika natin?
Kung hindi ba dumating ang mga dayuhan sa bansa, sisikat kaya ang ating wika?

Matatalino nga ba ang mga Amerikano kasi magaling silang mag ingles? o
Mangmang ba sila kasi di sila marunong mag tagalog?
Kakatuwa ka kaibigan at naisip mo yan.

May nagtanong, kung sa wikang ginagamit ba masusukat ang dunong.
May sumagot, hindi raw.
Kasi ang katalinohan raw ay masusukat depende sa paggamit mo nito sa iba't-ibang sitwasyon.

May tao nga bang matalino? o hindi lang nagamit nang iba ang katalinohan nila?
May tao bang mangmang? o mangmang tayong lahat at walang nakakaangat?
Kakalito! Nalilito rin kaya ang mga matatalinong tao?

Maaring ipagyabang mo ang iyong katalinohan.
Maaring ipagmalaki mo na alam mo ang lahat.
Kung tatanggapin mo na ikaw ay matagal nang mangmang.


18 March 2012

Kaibigan, Usap Daw Kayo.

nagsasalita ang tao upang ibahagi ang iniisip , hindi yung sa iba ay manlalait.
ito ang ating medyum para magkaunawaan , hindi para ang iba ay siraan.
dapat mag isip bago magsalita , hindi yung nagmura ka na magmumura ka pa.


kung hindi kayang itikom ang bibig , buksan na lang ang isip. 
kung ang kasasalita'y di mapigilan , magsalita ka na lang ng may kabuluhan.
hindi yung salitang dinaragdagan na galing lamang sa mga kongklusyong walang batayan.


at para sa mga pinatatamaan , huwag sumuko at gawing dahilan ang kanilang binibitawan.
sa halip ay gawing inspirasyon , upang mag-isip sila kung bakit nagkaganun.
kunin ang mga letra at ipunin , at kapag napuno ka ay sa kanila ipakain.


kung ikaw ay isa sa mga nagdadagdag ng mga letra sa mga salita.
siguraduhin mong ito ay tama , hindi yung puro ehcus lang at chaka.
baka isang araw , ang mga letrang ito pa ang magiging dahilan nang iyong pagpanaw.


dalawang bagay lang ating magagawa , ang huminto't lumuha.
o sila'y balewalain at magpatuloy sa ating ginagawa.
buhay na nila ang manira , naiinggit lang sila sa kung anong meron ka na sa kanila ay wala.



22 February 2012

Reklamador

Ako ngayo'y nasa estado na ng aking buhay na nagrereklamo at nagtatanong na naman. ULIT!

 Kung saan hindi ko na naiintindihan ang pinagsasabi nang taong nasa aking harapan. 
Kung saan hindi ko na naririnig ang mga salitang kanilang binibitiwan.
Kung saan ang lahat ay ako ang pinagtatawanan.
At kung saan man naroroon ang unang palapag nang aming paaralan ay hindi ko alam.

Bakit ko pa nga ba sila sinusunod?
Bakit kailangang may bayad ang bawat paggalaw?
Bakit may mga taong pera lang ang nakakapagpatawa?
At bakit pa ba sila nabubuhay sa ating mundong makulay?

Nakakapagod rin pala ang maupo sa silid na malamig.
Nakakapagod umakyat sa ikatlong palapag kung haharap ka lang naman sa mga taong nagsisipag-sipagan.
Nakakapagod maglakad kung ganun pa rin ang iyong nakikita.
At nakakapagod ang mag-aral kung di pantay ang ibinibigay na kaalaman!

Hindi ako nagrereklamo dahil napapagod na ako.
Ako'y nagtatanong lang kung may karapatan pa ba akong magreklamo.


22 January 2012

D' Abentyur


"Maglalayag na ulit tayo patungo sa pagbabago!" sabi ng kapitan ng barko
Susubukan daw nilang muling maglayag sa mga lugar na di pa nararating ng tao
Ngunit sa bawat paghampas nang malalaking alon sa kanilang sinasakyan 
Mahuhulog ang isang sakay nito dahil ito'y kailangan

Hindi na pwedeng sumama pa ang mga nagbibigay bigat
Pagkat sa kanilang barko ay apat lang ang karapat-dapat
Kailangan na raw nilang lumisan kahit may malulungkot
Dahil kapag nariyan pa kayo , sa pagbabago di makakaabot

Tumalon ka na at lumangoy doon sa malaking karagatan
Tayong lahat naman ay may mapupuntahan
Bitbitin mo itong salbabida at hayaang tangayin
Sa daluyong magpadala at sabayan ang ihip ng hangin

Walang umalis mula sa kanilang sinasakyan na mistulang maliit nang bangka
Nagsisiksikan na parang mga elapanteng naninirahan sa lungga ng daga
Sa iisang papag sama-samang humihiga
Hindi malaman kung saan nga ba pupunta

At ang oras ng prangkahang paghahatol ay dumating
"Magbabawas na tayo, upang ang barko'y magpatuloy sa pag-aabante. Ipakain sa pating!!"
 Sa bawat pagsigaw ng kapitan, parang maamong tuta na mistulang may ginagawa
Wala pa ring umaalis, kaya ang barko'y lumubog at sama-sama silang NALULUNOD.  

02 January 2012

Pabigat

bumibigat ka na at malamang alam mong kahit anong bagay na merong pabigat ay hindi aangat . ramdam mo ba? akong nabibigatan na lang ang bibigay . akong dati'y mayrong sariling tanday ay sayo'y handang magbigay ng daan upang ikaw ay maliwanagan na kapag ang motorsiklo , tinuntungan ng eroplano hindi ito tatakbo kahit na isang libo pa ang nagmamaneho nito ..