"Maglalayag na ulit tayo patungo sa pagbabago!" sabi ng kapitan ng barko
Susubukan daw nilang muling maglayag sa mga lugar na di pa nararating ng tao
Ngunit sa bawat paghampas nang malalaking alon sa kanilang sinasakyan
Mahuhulog ang isang sakay nito dahil ito'y kailangan
Hindi na pwedeng sumama pa ang mga nagbibigay bigat
Pagkat sa kanilang barko ay apat lang ang karapat-dapat
Kailangan na raw nilang lumisan kahit may malulungkot
Dahil kapag nariyan pa kayo , sa pagbabago di makakaabot
Tumalon ka na at lumangoy doon sa malaking karagatan
Tayong lahat naman ay may mapupuntahan
Bitbitin mo itong salbabida at hayaang tangayin
Sa daluyong magpadala at sabayan ang ihip ng hangin
Walang umalis mula sa kanilang sinasakyan na mistulang maliit nang bangka
Nagsisiksikan na parang mga elapanteng naninirahan sa lungga ng daga
Sa iisang papag sama-samang humihiga
Hindi malaman kung saan nga ba pupunta
At ang oras ng prangkahang paghahatol ay dumating
"Magbabawas na tayo, upang ang barko'y magpatuloy sa pag-aabante. Ipakain sa pating!!"
Sa bawat pagsigaw ng kapitan, parang maamong tuta na mistulang may ginagawa
Wala pa ring umaalis, kaya ang barko'y lumubog at sama-sama silang NALULUNOD.
1 comment:
Opo kapitan!
Post a Comment