21 July 2011

Inusara

akalain mong di nila ako kilala ,akala ko makakasabay sila
akala nila masasabayan ko ang kanilang pagtawa
akala ko naman masasakyan nila ang aking bangka 
amputa lang , kasi naunahan ko sila sa pagmumura

ano kayang biro ang magpapatawa sa madaldal na bunganga
anong drama ang magpapaluha sa mga mapanghusgang mata
ano kaya ang nakikita nila sa aking katawang lupa?
anong ibig sabihin nang mga katanungan na sana'y di mahalata ?

kailan pa kaya ako mkakahanap nang IBANG tunay na karamay
siguro'y kapag patay na ako , diyan lang sila aaho't maglalamay
iaabot ko na lang sa KANILA ang aking kamay di para isama sila sa hukay
dahil upang makita nila na kahit sa huling kaway . mawawalan ako ng kaaway

ampanget . di nila alam kung bakit ako tumatawa
antae . at di nila alam kung bakit ako umiiyak 
astilan . pangalan ko lang pala ang alam nila
taena !  at mali pa ang espeling !

nag-umpisa sa di pormal na pagpapakilala 
hanggang naging makata kuno sa gitna
naiwa'y isa pa ring magandang ala-ala
ang makakilala nang isang hindi pala nakakakilala

13 July 2011

Usapang Libro

pagkalipas nang mahigit isang taon . naibalik na rin sa akin ang libro ko (Kapitan Sino ni Bob Ong) . bagong-bago pa ito noong hiniram sa akin ng kaklase ng kapatid kong mahilig magpahiram ngunit nung ibinalik na ay vintage na kung titignan . may electrical tape pa na nakadikit sa mga pahinang halatang napunit . dinikitan nya pa ha . ayos lang atleast naibalik . ewan ko ba kung bakit ganito tayong mga pinoy . kung hindi mo hahanapin ang hiniram nila , hindi talaga ibabalik at kung ibabalik naman ay may sira o may kulang na .

may kakilala ako , ganitong ganito rin yung ginawa niya noon eh . parang hiniram niya lang ang isang tao saka ibinalik  rin noong hindi na niya raw kayang hawakan . wala naman daw nasira doon sa iniwan niyang tao pero sabi niya may kulang na daw . ewan ko kung ano . maraming beses daw ding naulit yun . parang pinapaasa niya lang at kung aasa na , di na niya kikibuan . sarap kaya daw sa pakiramdam . NOON . pero ngayon parang bumaliktad na daw ang mundo , nasa north na ang south .. at ang west nasa labas na . at ngayon parang librong hawak ko ang kalagayan niya . may laman nga pero kulang naman . at pipiraso na lang ang nagdidikit sa mga pahina nito . makakalimutan na kung mahuhulog . wag kang mahuhulog para di ka malimutan .

"wag mong husgahan ang libro sa kanyang pabalat" . balatan mo na lang saka mo husgahan . ewan ko ba .. bahala na. gusto ko yung hinuhusgahan muna ako sa panlabas kong kaanyoan . wala lang . gusto ko lang . gusto kong minamaliit ako . gustong kong ayawan na muna ako . pansamantala . wala lang . gusto ko lang .. para kung makikita na nila kung ano talaga ang kaya kong gawin ay hahanga sila . ikaw rin ha . at kapag humahanga na sila . gagawa ako ng isang bagay na di nila magugustuhan para ayawan na naman nila ako . wala lang . gusto ko lang , gustuhin mo rin ha .

alam ko na kagaya ng mga libro . nakakapagod ring basahin ito . pero ano magagawa ko ? nagsusulat ako dahil gusto ko . di ko kayang ayawan ang gusto ko lalo na kung masaya ako dito . anlayo na sa pamagat nu ? gamitan mo nang ruler diba mlayo na . ewan ko kung bakit . gusto ko malayo marating nito . dahil siguro ay may pinapatamaan ako .. di ko alam kung ano o sino . sana may makapuna sa mga letrang 'to . kakapagod kaya magtype . ok lang mag-isip .. natural na naman yan sa ating mga tao eh . ang mag-isip , pero ang kaibahan lang sa akin at sa ibang gumagawa nito ay ibinabahagi namin ito sa iba . try mo , tinatry na nga niya eh . subukan mong kumuwala sa sarili mong anino at ikaw na mismo ang maging liwanag . parang tanga lang . wag kang matakot . magsulat ka ng libro . L-I-B-R-O .. isulat mo ang mga naganap at nagaganap sa buhay mo . gagaan na ang pakiramdam mo , natututo ka pa . PWAMIS ! SWEYR ! FEYKSMEN !

11 July 2011

Tekniks ko sa Eggzam

kanina lang nagtake na ako ng exam . special pa . dalawa lang kami .. bago pra sa akin ang pamamaraang ginamit ni ma'am sa exam niya . slideshow .. katamaran nga naman , daming nagagawa . pero mutiple choice pa rin gaya ng dati kaya naging madali . madaling sagutan pero di ako sigurado sa sagot ko .

kahit noon pa .. ewan ko ba kung bakit . basta mutiple choice ang exam ay madali lang akong nakakasagot . dahil siguro ito sa mga paraang ginagamit ko sa pagsagot nito . andami kong tekniks noon .. iisa-isahin ko ha .

  • ballpen teknik
ang teknik na ito ay gingamitan ko ng ballpen . una kumukuha ako ng papel at susulatan ko ito ng mga pagpipilian . depende kung A,B,C o A-D. tapos ay ilalagay ko ito sa aking mesa at dahan-dahan kong inaangat ang aking ballpen hanggang sa pantay na ito sa aking noo (dahil ang noo ay ang sentro ng karunungan). tapos ay ihuhulog ko ang ballpen at kung anong letra ang mababagsakan ng dulo nito ay yun ang sagot ko. try mo .

  • sensor-sensor teknik
ang teknik namang ito ay ginagamitan ng matalas at ibang klaseng pandama at ako lang siguro ang gumagawa nito sa mundo . haha . una , bubuksan ko ang aking palad . tapos ititiklop ko ang aking mga daliri maliban sa hintuturo .. sunod ay itatapat ko ang aking daliri sa mga letra na pagpipilian . kung anong letra ang may pinakamalakas na awra ay yun ang sagot ko . at sure na ako dito .

  • kalabit teknik
ito na siguro ang pinakapopular na teknik mula noon hanggang ngayon . simple lang gawin ito . kelangan matalas ang mata mo . kalabitin ang iyong katabi at tignang mabuti kung anong letra ang tinuturo niya sa kanyang papel . simple lang pero epektib! 

  • amang teknik
ang amang (pipi sa tagalog) teknik ay ginagamit kung nasa malayong upuan yung gusto mong kalabitin . pero di mo magawang kalabitin kasi di ka si Luffy . ang gawin mo lang ay kunin mo ang atensyon niya nang hindi nakakahalata ang guro . gaya ng pag-ubo o pagkukunwaring pagtapon ng basura para lang madaanan siya . tapos .. mag sign language kayo . yun na . ikaw na bahala kung anong gagamitin niyong sign language kung gagamitan mo ba ng kamay,paa o nguso . mag-ingat ka kasi nakatingin sa iyo si ma'am ..

ang mga pamamaraang ito ang nagdala sa akin kung saan man ako ngayon . ewan ko lang kung nasaan ako ngayon sa oras na binabasa mo ito . txt mo ko pra malaman mo .. marami pa akong tekniks na nalalaman pero di ko sasabihin bka gayahin mo at baka mapunta ka dito . kung saan man ako ngayon .. maging iba ka , di madaling maging ikaw . wag mong piliting ilagay sa ulo mo ang mga salita .. hayaan mo itong prang hangin na dadaan at kusang pumasok . bka dumugo ilong mo . sige ka .. ano kaya konek? sa mga di pa nkakasubok sa mga teknik na ito malamang di ka naging estudyante .. 

02 July 2011

blah blah

salitang di na mabilang ang ibinigkas ngunit kami parin ay nagwakas .. ngunit noong ikaw ay nakaharap mga letra ay di mahagilap .. pagdating sa'yo ay nawawala ang aking dunong at ang dila ay kusang umuurong .. tunay na kaya ito o tadhana na naman ay nagbibiro? sa konting panahong ika'y nakilala .. ni hindi man lang sa akin ika'y tumawa .. hindi nga umabot ng isang daang letra ang nabigkas mo sa akin . sana'y may isang palayasin , upang mas madalas pa kitang maging tanawin . dahil kontento na ako sa mga ngiti mo na di pra sa akin pagkat sa pagkakakilala ko sa iyo ako'y nabitin .. paalam na lang kung ika'y mamamaalam na . magkikita na lang tayo kung tayo'y pagkikitain pa . kahit di ito makarating sa iyo sana'y maalaala mo na may minsang ako na nakilala mo .. kung binigyan pa ng pagkakataon , dihin sana'y mas nakilala pa kita kahit isang taon .. kung saan ka pupunta huwag mong kalimutan na ika'y may paa .. bka ika'y ibalik sa tunay na nananabik at hindi doon sa sabik lang sa matamis mong halik ..