14 June 2011

Labingwalo't Walo

kapag ito na ang napag-uusapan nangungunot agad ang aking noo..
pagkat hindi ko matanto kung bakit ba pinagdidebatehan pa ito..
kapag sinabi kasing RH , marami agad ang nalalasing..
kasi akala ng marami ang pinag-uusapan ay inumin..
nagkasanga-sanga na ang isipan ng tao sa bagay na ito..
pagkat marami ang nagtatalo kung sila ba ay ANTI o PRO..
 ang tunay na boses ay nasa labas ng senado at ng kongreso..
at hindi lamang nang iilan lamang politiko..
tanungin mo ang makikinabang at hindi ang nagpapatupad..
upang iyong marinig ang maraming tinig na nagsasabing
"ANO NA NAMAN YAN?"..
alam na ba nang lahat kung ano talaga yan? o sasang-ayunan na lang..
hindi importante kung ika'y sang-ayun o hindi sa BILL na ito..
ang sa akin lang ay maipaliwanag nang maayos ang maidudulot nito..
suriin kung ano at kung paano at kung sino at kung ayoko?..
ano paki mo?..
sino ba ang ating paniniwalaan sa ating bayan?..
siyempre ang mga taong mas may kapangyirahan..
tatango na lang ba tayo ulit? o susuriin muna bago tumango ulit?..
sana'y makarating ang aking mga hinaing na sana'y mabigyan rin ng pansin..
ang tao'y nalilito . di ba dapat ipinaliwanag muna ng maayos ito?..
hindi ko alam kung ako ba ay ANTI o PRO sa RH na ito..
ang sa akin lang (at siguro'y gusto rin na karamihan)..
MAGING MAAYOS NA ANG ATING BAYAN .. 

4 comments:

Anonymous said...

nice :))

yanyan said...

thanks !

Reymond Cuison said...

dapat ipaliwag po muna sa lahat para maliwanagan ang dapat maliwanagan. para hindi sila nagkakalabuan.. ayos po! ano po ba ang RH Bill sir?

yanyan said...

yun nga hindi ko maitindihan . bakit ba nila ipinapatupad ang isang batas kung kulang ang mga impormasyong kanilang ibinibgay sa mga taong bayan .