28 June 2011

Bata Pa

Nakakamiss ang pagiging bata . lalo na noong nag-aaral ka pa, ang sarap amuy-amuyin ng mga school supplies na bagong bili ni nanay, itatabi pa sa pagtulog , tatasahan ang mga monggol na lapis at idadamay pa ang mga walang malay na crayola, isusulat sa ungang pahina ng notebook ang pangalan at mga asignatura at maayos pang naka-arrange ang lahat sa bag ..


Naaalala mo pa ba yung mga nilalaro mo? tumba-lata . piyonganay . tagaanay . bahay-bahayan , ikaw nanay ako tatay tapos gawa tayo anak .. magluluto ng mga dahon . ilalagay sa plastik na platong kasingliit ng utak mo at magkukunwari na busog pagkatapos itapon ang mga dahong kunwaring kinain mo ..


Ang mga paborito mong palabas? Ang Power Rangers . Dragon Ball . Sailor Moon at hindi mawawala sa listahan ang TV Patrol. Pati mga komersyal ay pinapanood mo , walang patawad, kinabisado pa ang mga linya at gagayahin pa. Kagaya ng "isa pa. isa pa. isa pang Chicken Joy". hanggang sa "Chicken Joy" na lang ang naging tawag mo sa lahat ng klase nang luto sa manok.


Kaysarap bumalik sa pagiging bata, walang problema kundi piso. Walang ibang iniiyakan kundi laruan . Maninikip lang ang dibdib mo kung pinapatulog ni nanay tuwing tanghali. Nasusugatan lang kung nadadapa. Hindi tulad ngayong malaki na , pinoproblema pati ang problema ng syota . Iniiyakan ang sarili kapag pinaglalaruan. Maninikip ang dibdib kung nakitang may ibang kasama ang kalaguyo at nasusugatan kapag ipinaglaban ang pag-ibig sa iniibig. Saan ka? Sa pagiging malaking bata? o Sa pagiging mangmang na matanda?

14 June 2011

Labingwalo't Walo

kapag ito na ang napag-uusapan nangungunot agad ang aking noo..
pagkat hindi ko matanto kung bakit ba pinagdidebatehan pa ito..
kapag sinabi kasing RH , marami agad ang nalalasing..
kasi akala ng marami ang pinag-uusapan ay inumin..
nagkasanga-sanga na ang isipan ng tao sa bagay na ito..
pagkat marami ang nagtatalo kung sila ba ay ANTI o PRO..
 ang tunay na boses ay nasa labas ng senado at ng kongreso..
at hindi lamang nang iilan lamang politiko..
tanungin mo ang makikinabang at hindi ang nagpapatupad..
upang iyong marinig ang maraming tinig na nagsasabing
"ANO NA NAMAN YAN?"..
alam na ba nang lahat kung ano talaga yan? o sasang-ayunan na lang..
hindi importante kung ika'y sang-ayun o hindi sa BILL na ito..
ang sa akin lang ay maipaliwanag nang maayos ang maidudulot nito..
suriin kung ano at kung paano at kung sino at kung ayoko?..
ano paki mo?..
sino ba ang ating paniniwalaan sa ating bayan?..
siyempre ang mga taong mas may kapangyirahan..
tatango na lang ba tayo ulit? o susuriin muna bago tumango ulit?..
sana'y makarating ang aking mga hinaing na sana'y mabigyan rin ng pansin..
ang tao'y nalilito . di ba dapat ipinaliwanag muna ng maayos ito?..
hindi ko alam kung ako ba ay ANTI o PRO sa RH na ito..
ang sa akin lang (at siguro'y gusto rin na karamihan)..
MAGING MAAYOS NA ANG ATING BAYAN ..