Iiyak mo na lang yan , wala ka naman ring magagawa ehh
manlaban ka man , wala ka pa ring laban
tumakbo ka na lang para maabutan ka nila
mapapagod din sila basta't pagurin mo rin ang sarili mo ..
Itawa mo na lang yan , may magagawa ka pa ba ?
maging duwag ka , may matatakbuahan pa
wag mo silang habulin , di ka nila maabutan niyan
baka mapagod sila at baka mapagod ka rin
Umiwas ka na lang para matamaan ka
magdasal ka man , wala pa ring magagawa.. ngayon pa ?
nandyan ka na .. pero gawin mo pa rin at di magtatagal maririnig ka rin ..hindi bingi yan , lalo na mang hindi bulag ..mahal ka niyan ..maniwala ka
"Wag mo silang sisisihin , sarili mo yan ..sarili mo ang sisihin mo pero bago mo gawin yan ay sisihin mo muna sila .."
Tulad ng pangungusap na yan , konti lang ang nakakaintindi sa'yo at iilan lang ang magmamalasakit ..
wag kang mag-alala , hangga't may tawa may pag-asa ..
tumawa ka , tawanan mo sila at pag-isipin kung bakit ..
Sana ngayon na , pro hindi talaga ,
hindi nga , hindi mawawala ang walang hanggan at walang katapusang
diskriminasyon .
No comments:
Post a Comment