29 June 2010

El Plastisismo (part 2)



Sa lahat ng mga kaibigan ko ngayon , darating din ang araw na magkakalimutan din tayo tulad ng mga naging kaibigan ko noon .. kaya't wag nating sabihin na walang limutan dahil hindi maaaring hindi makalimut ang isang taong hindi pinahahalagahan ang pagkakaibigan. Wag tayong magpapakasiguro sa isa't-isa , wag kang magtiwala sa akin at hindi ko rin ibibigay ang buong tiwala ko sa iyo . Pwede kitang saktan kung kailan koh gugustuhin at pwede mo rin gawin sa akin yan . Sa panahon ngayon , wala nang tunay na kaibigan , pwede kang atakihin mula sa likod ng mga taong ito habang ipinagtatanggol mo sa siya sa mga kalabang nasa harapan mo .


Isa lang ako sa mga taong palaging umaasa sa mga animal na akala ko ay kakampi . Sa mga taong akala mo ay maaasahan mong tutulong sa iyo sa bawat pagsubok ngunit iiwan ka lang pala sa ere nang walang dahilan . Hindi ba nakakaasar na isipin na tinulungan mo sila sa oras na kailan ka nila at nung ikaw ang nangangailangan sa kanila ay wala ni isa ang nagpresenta upang tulungan ka ?





mag-ingat sa mga taong may maskara aaaahhh ..








1 comment:

Unknown said...

ahhh...


tamaaa..

pwo ibahin akitch huh?? ajiji