30 June 2010

Tanong ko lang naman ([ ? ])


Hindi ko alam kung bakit ako nandito , nakaupo sa gitna ng isang silid at napapalibutan ng mga taong hindi ko kakilala. Nag-aaral ba ako dahil gusto nila ? o nag-aaral ako dahil ginusto ko rin ito ? Ayaw kong mag-aral ngunit kailangan ko , gusto kong matuto ngunit ayaw kong tinuturuan ako. Sino ba sila ? Bakit sila nagagalit kung hindi ako nakikinig sa kanila ? Sino ba ang nag-umpisa nang pag-aaral Pwede ba siyang kasohan ??? dahil hindi madali ang laging nakaharap sa papel na may hawak na pansulat , gumising ng maaga , at makisama sa mga taong hindi ko kakilala sa loob ng isa't kalahating dekada. Nakakapagod rin kayang magpakilala nang paulit-ulit sa loob ng labinlimang taon --sino ba silang utos nang utos sa akin ? Ayaw ko silang sundin ngunit obligado ako na ito'y gawin .

Kung inipon ko na lang kaya ang baong pera na ibinigay nila sa akin ?? Milyonaryo na sana ako ngayon at tapos tatakbo akong pagka presidente at magpapatupad ako ng batas kung saan nagsasaad na " bawal mag-aral ang mga taong mangungurakot lang pag natapos ".. BANG !

kakapagod mag-aral lalo na kung ang room niyo ay nasa fifth floor. mas pipiliin ko pang mag'antay nang wala sa ibaba kaysa pahirapan ang sarili na umakyat sa malaLANGIT na gusali. Sino ba ang sisisihin ko ? ang sarili ko dahil sa ktamaran ko ? o sila na nagpagawa ng gusaling 'yon ?? siyempre sila .haha

ngunit gayun pa man ay kailangan kong mag-aral dahil alam kong pagsubok lang ito ..ou , pagsubok nga ..kung pwede lang mag-aral pagkalabas ko pa lang sa sinapupunan ng nanay ko nay ginawa ko na upang sa edad na 15 ay nakatapos na ako ..hehe

para sa akin ay ang pag-aaral ay hindi karapatan ..ito ay kagustuhan ,walang makakapagdikta sa iyo .. sarili mo yan , pero isipin mo muna ang mangyayari kung hindi mo susundin ang mga pinagsasasabi nila ..no choice diba ?? mag-aral ka na lang kaya :D



2 comments:

Unknown said...

hmpff...

iwi mg emote..
nyc kaau ilove it!..

samantha27 said...

GREAT ! .. PEDE i-COPY ? .. hAhA .. :D