18 March 2012

Kaibigan, Usap Daw Kayo.

nagsasalita ang tao upang ibahagi ang iniisip , hindi yung sa iba ay manlalait.
ito ang ating medyum para magkaunawaan , hindi para ang iba ay siraan.
dapat mag isip bago magsalita , hindi yung nagmura ka na magmumura ka pa.


kung hindi kayang itikom ang bibig , buksan na lang ang isip. 
kung ang kasasalita'y di mapigilan , magsalita ka na lang ng may kabuluhan.
hindi yung salitang dinaragdagan na galing lamang sa mga kongklusyong walang batayan.


at para sa mga pinatatamaan , huwag sumuko at gawing dahilan ang kanilang binibitawan.
sa halip ay gawing inspirasyon , upang mag-isip sila kung bakit nagkaganun.
kunin ang mga letra at ipunin , at kapag napuno ka ay sa kanila ipakain.


kung ikaw ay isa sa mga nagdadagdag ng mga letra sa mga salita.
siguraduhin mong ito ay tama , hindi yung puro ehcus lang at chaka.
baka isang araw , ang mga letrang ito pa ang magiging dahilan nang iyong pagpanaw.


dalawang bagay lang ating magagawa , ang huminto't lumuha.
o sila'y balewalain at magpatuloy sa ating ginagawa.
buhay na nila ang manira , naiinggit lang sila sa kung anong meron ka na sa kanila ay wala.



22 February 2012

Reklamador

Ako ngayo'y nasa estado na ng aking buhay na nagrereklamo at nagtatanong na naman. ULIT!

 Kung saan hindi ko na naiintindihan ang pinagsasabi nang taong nasa aking harapan. 
Kung saan hindi ko na naririnig ang mga salitang kanilang binibitiwan.
Kung saan ang lahat ay ako ang pinagtatawanan.
At kung saan man naroroon ang unang palapag nang aming paaralan ay hindi ko alam.

Bakit ko pa nga ba sila sinusunod?
Bakit kailangang may bayad ang bawat paggalaw?
Bakit may mga taong pera lang ang nakakapagpatawa?
At bakit pa ba sila nabubuhay sa ating mundong makulay?

Nakakapagod rin pala ang maupo sa silid na malamig.
Nakakapagod umakyat sa ikatlong palapag kung haharap ka lang naman sa mga taong nagsisipag-sipagan.
Nakakapagod maglakad kung ganun pa rin ang iyong nakikita.
At nakakapagod ang mag-aral kung di pantay ang ibinibigay na kaalaman!

Hindi ako nagrereklamo dahil napapagod na ako.
Ako'y nagtatanong lang kung may karapatan pa ba akong magreklamo.


22 January 2012

D' Abentyur


"Maglalayag na ulit tayo patungo sa pagbabago!" sabi ng kapitan ng barko
Susubukan daw nilang muling maglayag sa mga lugar na di pa nararating ng tao
Ngunit sa bawat paghampas nang malalaking alon sa kanilang sinasakyan 
Mahuhulog ang isang sakay nito dahil ito'y kailangan

Hindi na pwedeng sumama pa ang mga nagbibigay bigat
Pagkat sa kanilang barko ay apat lang ang karapat-dapat
Kailangan na raw nilang lumisan kahit may malulungkot
Dahil kapag nariyan pa kayo , sa pagbabago di makakaabot

Tumalon ka na at lumangoy doon sa malaking karagatan
Tayong lahat naman ay may mapupuntahan
Bitbitin mo itong salbabida at hayaang tangayin
Sa daluyong magpadala at sabayan ang ihip ng hangin

Walang umalis mula sa kanilang sinasakyan na mistulang maliit nang bangka
Nagsisiksikan na parang mga elapanteng naninirahan sa lungga ng daga
Sa iisang papag sama-samang humihiga
Hindi malaman kung saan nga ba pupunta

At ang oras ng prangkahang paghahatol ay dumating
"Magbabawas na tayo, upang ang barko'y magpatuloy sa pag-aabante. Ipakain sa pating!!"
 Sa bawat pagsigaw ng kapitan, parang maamong tuta na mistulang may ginagawa
Wala pa ring umaalis, kaya ang barko'y lumubog at sama-sama silang NALULUNOD.  

02 January 2012

Pabigat

bumibigat ka na at malamang alam mong kahit anong bagay na merong pabigat ay hindi aangat . ramdam mo ba? akong nabibigatan na lang ang bibigay . akong dati'y mayrong sariling tanday ay sayo'y handang magbigay ng daan upang ikaw ay maliwanagan na kapag ang motorsiklo , tinuntungan ng eroplano hindi ito tatakbo kahit na isang libo pa ang nagmamaneho nito .. 

22 November 2011

Tipak ng Nakaraan

sa pagbabalik nang lungkot , muling nabalot nang puot
ang dating payaso, ngayo'y nagtataglay na nang ngiting aso
gumagala, nakatulala at nag-iisip nang maitutula
nais muling malagyan ng nakahigang kurba ang pangit na mukha

nasa harapan at naghihintay na ang diretsong daan
ngunit bakit parang hinihila parin pabalik sa nakaraan?
hindi ko kayang kumaliwa, kaya sa kanan dumaan
pero kitang-kita na lumiko parin ang aking katawan

bakit sa paligid ay maraming nakikialam?
hindi naman binibigkas ngunit parang nararamdaman
kahit na di naman masyadong dinaramdam
ngunit bakit hindi parin kayang iwanan?

kung may pagkakataon ay ngingiti na ako
hindi man ngayon ngunit parang bukas ay tatawa na 'to
mga maninipis kong labing hindi na makatiis 
sana'y tataas na ang aking ranggo sa tetris ..

19 November 2011

Madam


Gustong umalis ngunit pinigilan siya
Masakit nga kasi ang batok niya
Ang sa amin lang baka mawili siya

Mga kasong iiwanan
Ay baka makalimutan niya
Nagkaroon na siya ng pagkakataon
Di nga lang sinwerte sa ngayon
Ang dating makapangyarihan
Robot na kung titignan
At di na makalaya
Yan na yata ang karma Madam!
Ano na naman kaya ang magagawa?

Kung ang ungas ay muling magtatangka?
Aba'y itali na yan upang magtanda.
!



27 September 2011

Akda


inimbita, sumama at doo'y nakilala ang dakilang sinasamba
umidlip, nag-isip, nagsulat at iniwanan ang tahanan
umalis, lumisan, walang paalam na tinungo ang dalampasigan
nagsaya, tumalo't tumawa habang hinihintay ang may akda

sa kabilang isla, naghintay, halos ikamatay ang hindi pagbalik
pinag-usapan, hinanap at talagang nananabik
pinaubaya sa hindi maasahan at akalain mong natsambahan
nakita sa likod ng isla, nakangiti, buo pa rin at nakatawa

sa muling pagbabalik mukhang hindi mukha ang namukhaan
sa kabila nang nangyari, parang hindi man lang alam pinanggalingan
sa bawat bigkas ang may akda ang laging laman
sa mga mata pa rin ang katotohana'y matatagpuan

nagbago ang mga galaw sa saliw nang musika nang buhay
hindi na alam kung saan at kanino iaalay
tawagin at muling hagkan ang bawat kaway nang kaliwang kamay
at sa ulo magmumula ang tunay na kapangyarihang taglay

naasaan na ba talaga ang may akda ?
na siyang sasalubong sa bawat pagtulo ng luha
tinatawan ka na lang nang kanyang kalaban
na siyang namuno sa mga napakaraming paglilinlang ..