Kung ang pagboto lang ang pag-uusapan, hindi ko perstaym bukas. Noon sa paaralan ay bumuboto na ako. Pataas-taas lang ng kamay. Una kanan tapos kaliwa. Pandaraya. Bukas, boboto na ako at perstaym ko!! EKSAYTED MUCH ^.^ pero wala akong nakuhang tips kung paano bomoto-bumoto-bumuto-bumutu. Kaya ako na lang ang gagawa ng mga tips para sa aking mga kapwang perstaymers na boboto bukas at ito ay base lamang sa mga nakalap kong impormasyon sa nakaraang mga eleksyon. NAKS!! Pwedeng paniwalaan o balewalain mo na lang.
Una, kung may magbibigay sa'yo ng pera at sasabihing iboto ang kanilang kandidato ay tanggapin mo ang pera. Hindi magiging vote-buying yan kung hindi mo sila iboboto. Wag mo silang iboto, tanggapin mo lang ang pera. Wag kang tanga. Pangalawa, ulitin mo yung unang tip. Pangatlo, ulitin mo ang pangalawang trip. Pang-apat, ulit-ulitin mo at kayganda nang ating trip. Panglima, iboto mo kung sino ang ibinoto ng nanay mo. BekosMadersnowsbes.
Iboto mo yung siguradong hindi mananalo para hindi ka magsisisi kung mangungurakot lang pala ang mananalo. Sayangin mo ang boto mo sa mga kandidatong walang pag-asa na makakaupo kaysa iboto ang kandidatong malakas na sa papel pero ganin parin ang papel. TRAPO.
Hindi nabubulok. Gawa ng tao. Natutunaw.
PLASTIK na ayun sa kaibigan kong si Wiki ay sinasakop ang iba't ibang artipisyal o sintetiko o semisintetikong polimerisasyong mga produkto. Binubuo ang mga ito ng organikong kondensasyon o mga karagdagang mga polimero at maaaring maglaman ng mga sustansya upang mapabuti ang pagkakaganap o ang katipiran. Mayroon mga iilang mga likas na mga polimero ang pangkalahatang tinuturing na mga "plastik".
Sa ibang gamit, tinuturing na eupemismo ang plastik para sa mga taong balat-kayo o mapagkunwari.
Para sa Akin naman ito ay:
Ang mga pekeng pagbati, kunwaring pagngiti at mga halik sa pisngi.
Buong akala ay tunay, buong akala ay wagas, nagkukunwari lang ang mga hudas.
Ipinagtatanggol mo sila, habang kinakain ka nila.
Ika'y nakikipaglaban habang sila'y nasa likuran at ika'y pinagtatawanan.
Mga nagkukunwaring kaibigan, nais lng pala'y plastikan.
Ngiti ang iyong iganti, tiyak mag-iisip sila nang maigi.
Plastik tayong lahat!! Walang nakakaangat!
Kung hindi ka plastik sa mundong ito, tiyak, konti lang ang kakilala mo.
PLASTIKAN NA!!
PLASTIKAN NA!!