12 May 2013

Tips para sa ELEKSYON

   Kung ang pagboto lang ang pag-uusapan, hindi ko perstaym bukas. Noon sa paaralan ay bumuboto na ako. Pataas-taas lang ng kamay. Una kanan tapos kaliwa. Pandaraya. Bukas, boboto na ako at perstaym ko!! EKSAYTED MUCH ^.^ pero wala akong nakuhang tips kung paano bomoto-bumoto-bumuto-bumutu. Kaya ako na lang ang gagawa ng mga tips para sa aking mga kapwang perstaymers na boboto bukas at ito ay base lamang sa mga nakalap kong impormasyon sa nakaraang mga eleksyon. NAKS!! Pwedeng paniwalaan o balewalain mo na lang.

   Una, kung may magbibigay sa'yo ng pera at sasabihing iboto ang kanilang kandidato ay tanggapin mo ang pera. Hindi magiging vote-buying yan kung hindi mo sila iboboto. Wag mo silang iboto, tanggapin mo lang ang pera. Wag kang tanga. Pangalawa, ulitin mo yung unang tip. Pangatlo, ulitin mo ang pangalawang trip. Pang-apat, ulit-ulitin mo at kayganda nang ating trip. Panglima, iboto mo kung sino ang ibinoto ng nanay mo. BekosMadersnowsbes.


   Iboto mo yung siguradong hindi mananalo para hindi ka magsisisi kung mangungurakot lang pala ang mananalo. Sayangin mo ang boto mo sa mga kandidatong walang pag-asa na makakaupo kaysa iboto ang kandidatong malakas na sa papel pero ganin parin ang papel. TRAPO.

28 April 2013

Bibi, Plastikin Mo Ako



    Hindi nabubulok. Gawa ng tao. Natutunaw.

    PLASTIK na ayun sa kaibigan kong si Wiki ay sinasakop ang iba't ibang artipisyal o sintetiko o semisintetikong polimerisasyong mga produkto. Binubuo ang mga ito ng organikong kondensasyon o mga karagdagang mga polimero at maaaring maglaman ng mga sustansya upang mapabuti ang pagkakaganap o ang katipiran. Mayroon mga iilang mga likas na mga polimero ang pangkalahatang tinuturing na mga "plastik".

   Sa ibang gamit, tinuturing na eupemismo ang plastik para sa mga taong balat-kayo o mapagkunwari.

   
      Para sa Akin naman ito ay: 

Ang mga pekeng pagbati, kunwaring pagngiti at mga halik sa pisngi. 
Buong akala ay tunay, buong akala ay wagas, nagkukunwari lang ang mga hudas. 
Ipinagtatanggol mo sila, habang kinakain ka nila. 
Ika'y nakikipaglaban habang sila'y nasa likuran at ika'y pinagtatawanan. 
Mga nagkukunwaring kaibigan, nais lng pala'y plastikan. 
Ngiti ang iyong iganti, tiyak mag-iisip sila nang maigi.
Plastik tayong lahat!! Walang nakakaangat!
Kung hindi ka plastik sa mundong ito, tiyak, konti lang ang kakilala mo.


PLASTIKAN NA!!

28 March 2013

May Pangarap Din Po Ako


   May pangarap din po ako.  Marami akong gusto. Gusto ko itong matupad. Nais kong gawin itong motibasyon. Walang imposible, mas imposible kung wala akong gagawin. Pero alam kong hindi lahat ay matutupad. Lahat tayo may pangarap, nakakainggit nga yung iba dahil pangarap pa lang natin ngunit sila? pinagsasawaan na nila. Ampota no?! (Dili kay NO man.) May listahan ako nang aking mga pangarap. Iilan lamang ito sa milyon-milyon kong gusto, nais and wants. K!



May pangarap din po ako. 
Marami rin naman akong gustong gawin.
Gusto ko ring pumunta sa ibang bansa.
Nais kong makasakay sa eroplano habang kinakamot ang likod ko.

May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong sabihin.
Gusto ko rin namang kumanta sa ASAP kasama si Ely, Bamboo at Freddie.
Nais kong makarating sa Maynila, pero hindi ako makikipagsapalaran.

May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong kainin.
Gusto ko rin mangulangot sa Disneyland.
Nais ko ring makapaglaro sa Araneta. Kahit tumbang-preso, choks na.

May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong bilhin.
Gusto kong matulog sa kama ni Rosanna.
Nais ko ring makapasok sa sinehan doon sa Claveria.

May pangarap din po ako.
Marami rin naman akong gustong iguhit.
Gusto kong magkaroon ng cellphone, yung tatskrin? yun nga.
Nais ko ring mapalitan ang gamit kong telepono ngayon na may baller ni Richard Gordon.

May pangarap din po ako.
Marami rin akong gustong isulat.
Gusto kong pumunta sa India para alamin kung meron rin bang pinoy na nagpapapaybsiks doon.
Nais ko ring makapunta sa buwan at maglalasing ako doon.

  Marami pa po akong gusto. Pero nakakapagod napo magtype. Masakit na ang aking likod. Tamad kasi. Pero tamad lang naman ako sa mga bagay na ayaw kong gawin. Naks!! kbye.

03 February 2013

Pork Na Hindi Masarap.

Porke't kulay pula ang labi at may kulay ang buhok, maganda na?
Porke't hindi naka Varsity Jacket, di na gwapo?
Porke't maputi ang mukha dahil sa pulbo, maputi na?
Porke't walang gel ang buhok, pangit agad?

Porke't touchscreen ang telepono, mayaman agad?
Porke't walang laptop, mahirap agad?
Porke't hindi marunong gumamit ng kompyuter, bobo na?
Porke't nakiki-WiFi sa kapitbahay, wala agad pera?

Porke't hindi kumakain sa McDo, mahirap na?
Porke't kumakain sa Jollibee, mayaman na?
Porke't hindi alam ang pangalan nung pagkain sa KFC, hindi in?
Porke't french fries lang ang kaya kong bilhin, kuripot agad?

Porke't nagmumura, bastos agad?
Porke't hindi nagsasalita, mabait agad?
Porke't pumasok sa kwarto at paglabas pinagpapawisan, nag ano agad?
Porke't hindi natutulog sa gabi, insomniac agad?

Porke't pinupuna ko ang mga pangit kong nakikita, masama na ako?
Porke't humahanga ako sa pangit, pangit na rin ako?
Porke't naka white dove sa mall, mahirap agad?
Porke't hindi tugma ang suot ko sa okasyon, hindi agad sumasabay sa uso?

Porke't ...
Porke't ...
Porke't ...
Porke't ...

Porke't napansin ko lang naman na hindi tugma ang iyong mukha sa iyong ginagawa ay ako pa ang masama? Kung ipagpatuloy mo na lang kaya ang iyong ginagawa at hayaan akong tumawa. Hindi hadlang ang pamumuna ng iba. Gawin mo itong inspirasyon at pag-isipin mo sila kung bakit ganun.

27 January 2013

Meron palang bago.... PICKOWTS!!

Meron palang bago... PICKOWTS!! Mga larawan na merong kowts. Click mo link na to ohh para atsup. http://tamadrules.blogspot.com/p/pickowts.html


Top Fool One

sumasapit na ang bagong umaga, bakit ang likod ay sa banig parin nakalapat?
tinatawag ka na nang iyong konsensya, bumangon ka na at buto'y iunat.
tinatawag ka na nang iyong ina, bumangon ka na at ligpit ang hinigaan.
sumasapit na ang bagong umaga, bakit wala paring maamoy na ulam.

muta ay singkapal nang iyong mukha na nagsisilbing pandikit sa mata.
madilim. hindi kayang ibuka, parang buhay na ang pagbabago'y di makita.
ilong na di na halos makahinga sapagkat ang kulangot ay di pa nakukuha
kukunin. bibilugin. parang manggagawa. kukunin. bibilugin.

pagkatapos magsaing para bang nagwagi, pagkatapos kumain saka magkukunwari.
pagkatapos tumae para bang nagwagi, pagkatapos ay hihiga saka magkukunwari.
pagkatapos matulog para bang nagwagi, pag natapos ang pagkukunwari saka magwawagi.
pagkatapos magkunwari, parang nagwagi. pagkatapos nang lahat ikaw parin ay lugi.

hahagilapin ang nais makamtan pagkatapos ang isa'y iniwan at tinawanan.
walang pakialam sa iyo ang ating magandang mundong ginagalawan.
isa ka lang sa mga napakaraming nabubuhay at namamatay.
papasukin rin nating lahat ang kabaong at saka ihihimlay.

ihagis ang hinahawakan at ang iba ay kunin.
hindi lahat nang pagkain sa mundo ay puro kanin.
ihagis ang kanin at ang tinapay ay kainin.
pero hindi lahat nang pagkain sa mundo ay kaya mong kainin.

kung gagalaw ka man lang din, bakit hindi pa ginawa noon?
kung tatayo ka man lang din, bakit pa pinaabot ng dapithapon?
gumalaw ka na at saka hanapin na ang nais ngayon.
dahil hindi lahat ay nabibigyan nang isa pang pagkakataon.