Kahit sa isang pagkakataon man lamang;
Bigkasan mo ako ng mga naisulat mong tula,
Iparinig mo ang ginawa mong kanta,
Isayaw mo ang iyong mga paa.
Pakiusap, ibahagi mo ang iyong mga obra.
Palihog.
Nasanay na ako sa ulan pero ayokong mabasa. Alam kong nakakapaso ang apoy pero nilalaro pa rin ng pilit. Pinipilit na idinidikit sa isip na magbabago ang ihip. Papabor pa ba sa akin ang mundo? O masasanay na lang ako sa takbo nito?
No comments:
Post a Comment