Kahit sa isang pagkakataon man lamang; Bigkasan mo ako ng mga naisulat mong tula, Iparinig mo ang ginawa mong kanta, Isayaw mo ang iyong mga paa. Pakiusap, ibahagi mo ang iyong mga obra. Palihog.
Di ko man naisulat ang iba ko'ng likha
Ang mga letra naman ay sa lupa ko ipinunla
Pansamantala man na mawawala ang tuwa
Pero kailanman ay hindi matatapos ang tula.
Padayon.
Post a Comment
No comments:
Post a Comment