15 June 2014

Blank Kong Isip

Hawak ang telepono habang nakahiga
Nag-iisip nang pwedeng maipapaksa
Sa utak sinasala ang bawat salita
Upang ang nasa kabilang linya'y di maapura

Habang ang kamay ay nakaabang
Pagitan ng dal'wang mata'y sumasakit
Pilit nilalagyan ng laman ang bawat puwang
Umaasang mayroong makakamit

Tinakluban ako ng kabobohan
Napakainit tumira sa pagitan ng mga pahina
Ako'y ibinangon ng katamaran
Ngayo'y presko na ang aking nadarama

Maraming bagay akong naiisip
Parang isang punong hitik sa bunga
Pero ang pagsasalita'y sinisipsip
Kabulokan ang lumalabas sa bunganga