15 November 2013

Sopa

Nakahiga sa sopa, 
At nakatingala.
Inuusisa ng aking mata,
Kurtinang napakahaba.

Isang dangkal na pag-unawa'y ilalabas.
Aalipinin lang ng kahapon ang lakas.
Uubusin ang ang nais hanggang magwakas.

Sa init ng adlaw ito rin ay maninigas.

Gagalaw sa pagpindot ng numero.
Iaangat ang bawat dulo.
Ihahampas ang bawat pagbigkas.
Sinusulat ang naturingang alamat.

Orgulyo'y binabalewala.
Pamilya'y di na maghihintay sa wala.
Sopa na ngayo'y hinihigaan.
Balang araw ay makakamtan.

12 November 2013

Bangon

Maraming naanod na bahay.
Kasingdami ng mga nawasak na buhay.
Lupang dating sagana sa likas na yaman.
Nagmistulang isang malawak na libingan.

Niragasa ng baha ang buhay na nananahimik.
Binasa ng ulan ang mga batang walang imik.
Nilamon ng dagat ang bawat pangarap.
Nawalan ng silbi ang bawat pagsusumikap.

Sa pagkakadapa ay muli nating ibabangon.
Mga bayang nasalanta'y iaangat sa pagkakabaon.
Nangangaylanga'y tutulongan natin ngayon.
Upang kaginhawaa'y makamtan sa madaling panahon.