nagsasalita ang tao upang ibahagi ang iniisip , hindi yung sa iba ay manlalait.
ito ang ating medyum para magkaunawaan , hindi para ang iba ay siraan.
dapat mag isip bago magsalita , hindi yung nagmura ka na magmumura ka pa.
kung hindi kayang itikom ang bibig , buksan na lang ang isip.
kung hindi kayang itikom ang bibig , buksan na lang ang isip.
kung ang kasasalita'y di mapigilan , magsalita ka na lang ng may kabuluhan.
hindi yung salitang dinaragdagan na galing lamang sa mga kongklusyong walang batayan.
at para sa mga pinatatamaan , huwag sumuko at gawing dahilan ang kanilang binibitawan.
hindi yung salitang dinaragdagan na galing lamang sa mga kongklusyong walang batayan.
at para sa mga pinatatamaan , huwag sumuko at gawing dahilan ang kanilang binibitawan.
sa halip ay gawing inspirasyon , upang mag-isip sila kung bakit nagkaganun.
kunin ang mga letra at ipunin , at kapag napuno ka ay sa kanila ipakain.
kung ikaw ay isa sa mga nagdadagdag ng mga letra sa mga salita.
kung ikaw ay isa sa mga nagdadagdag ng mga letra sa mga salita.
siguraduhin mong ito ay tama , hindi yung puro ehcus lang at chaka.
baka isang araw , ang mga letrang ito pa ang magiging dahilan nang iyong pagpanaw.
dalawang bagay lang ating magagawa , ang huminto't lumuha.
dalawang bagay lang ating magagawa , ang huminto't lumuha.
o sila'y balewalain at magpatuloy sa ating ginagawa.
buhay na nila ang manira , naiinggit lang sila sa kung anong meron ka na sa kanila ay wala.
3 comments:
Gsuto ko ung Chaka!
pwede "parents, usap muna tayo?"
:/
hahaha bakit naman?
Post a Comment