sa pagbabalik nang lungkot , muling nabalot nang puot
ang dating payaso, ngayo'y nagtataglay na nang ngiting aso
gumagala, nakatulala at nag-iisip nang maitutula
nais muling malagyan ng nakahigang kurba ang pangit na mukha
nasa harapan at naghihintay na ang diretsong daan
ngunit bakit parang hinihila parin pabalik sa nakaraan?
hindi ko kayang kumaliwa, kaya sa kanan dumaan
pero kitang-kita na lumiko parin ang aking katawan
bakit sa paligid ay maraming nakikialam?
hindi naman binibigkas ngunit parang nararamdaman
kahit na di naman masyadong dinaramdam
ngunit bakit hindi parin kayang iwanan?
kung may pagkakataon ay ngingiti na ako
hindi man ngayon ngunit parang bukas ay tatawa na 'to
mga maninipis kong labing hindi na makatiis
sana'y tataas na ang aking ranggo sa tetris ..
4 comments:
ano bato uie
kAw Raii BatO!>??? Jajajajaja !!!??
dapat kasi bigyan mo muna ng linaw ang nakaraan at ng maharap ang kasalukuyan ng walang kaguluhan.. tsk!
paano ko bibigyang linaw yan kug di ko naman alam kung anong ibig sabihin nang mga salitang yan? hahaha ..
Post a Comment