maagang nakatali sa yakap habang mamimikit-mikit
haplos sa mukha't pangala'y isinampit
isang magandang simula sa umagang sumasapit
sa isang munting tahanang nagiging masikip
naglayag at umalis sa sinasakyang barko
akala'y kaya na ang mapaglinlang na mundo
ang isip at puso'y nakatali pa rin sa angkla nito
ngunit nangingibabaw pa rin ang orgulyo
tanghali na at kailangang kainin ang mga ibinigkas
upang sa dapithapo'y mahanaw na ang pintas
'sing init ng adlaw ang kabatiran nang naninirahan
naghihintay lang na kayo'y tatangnan
sa kanluran , pipikit ulit ang haring adlaw
pagmumukha pa rin ang natatanaw
"kailangan kaya ako mananahimik at papanaw?"
tanong sa sarili habang kinakamay ang bahaw
tuloyang binalot ng kadiliman ang paligid
di makita ang hahantungan kapag mahuhulog sa bakilid
ang mata'y idilat nang kusa at hayaang muling pumikit
at tahakin ang tunay na laman nang puso't isip.
No comments:
Post a Comment