19 November 2010

AN AT AP

kailan ba kita mahahawakan ?
talagang ika'y suntok sa buwan
pagkat labing anim na buwan
na kitang pinagmamasdan
ni hindi mo nga ako nginitian
pero sana ako ay iyong pakinggan
hindi kita iiwan
sumpa man kahit ika'y ganyan
hindi kita tatawaging 'pasayan'
pagkat mula ulo hanggang talampakan
diyan kita nagustuhan
kahit meron man akong makasuntokan
basta't ikaw ang aking ipinaglalaban
wag lang tayong umabot na ako'y pagla lamayan
dahil ibang usapan na 'yan
matagal na kitang pangarap
kahit noong pangulo pa si erap
ngunit talagang napakahirap
ang hirap mong mahagilap
basta't mula sayo kahit 'uyap'
ako'y talagang sarap na sarap
kahit isa man lang sulyap
na mula sa iyo'y para sa'kin ay masarap
kahit ika'y sanay sa sarap
at ako'y buhay mahirap
pag ako nakasama para kang nasa alapaap
maglalakbay tayo sa ulap
kukurutin natin ang mga kulisap
mga masasamang kulisap
na sa akin ay gustong humarap
pero bakit masaklap ?
sa facebook aking nakalap
'in a relationship' ang status ..talagang masaklap
talagang hindi ko matanggap
titrahin na lang kita pag nakasali ako sa fliptop
pero salamat na rin at ako'y nakahanap
ng isang  bago kong pangarap
na mananatili paring isang pangarap
kahit hindi siya masarap
ayos lang basta't madaling mahingan ng softdrinks na POP
kaya para sa kanya isa pa ring ..klap ..klap ..klap ..

16 November 2010

debt insayd

kung nabibili lang ng kaibigan ang pera , marami na akong pera .
kung palaging nabibili lang ng pera ang kaibigan , wala na akong kaibigan .pero di ganun men .. kung ang facebook lang ang pagbabasehan , 700+ na ang friends ko doon .. pero iilan lang ang kakilala ko at iilan lang din ang nakakakilala sa kin .. naging friend ko sila dahil sa pangalan nila at hindi dahil sa profile pictures nila .. may kaibigan na parang walang pakialam pero ang hilig palang makialam nang hindi natin alam ..meron rin namang mga kaibigan na gusto mong pakialaman ka nila , mapaganun ,gan'to at ganyan . pero ang pinaka nakakainis ay yung kaibigan na inalok mo na , tapos aayawan ka at maya'maya papayag rin pala . para bang isinubo mo sa kanya ang pagkain tapos kinain niya .. isinuka at kakainin ulit at sasabihin sayo'ng " ang damot mo ! pahingi ulit ! " ..

08 November 2010

Lakbay Diwa by ASIN






ohh aking kaibigan na namumungay ang mata
dahil lang sa usok na hindi ibinuga
mayroon pa ba dyan pahingi naman
upang ang pangit ay magiging maganda

kumikislap na ilaw ohh kay gandang tignan
kung tanungin mo sya iisa ang dahilan
nababangga sa poste sa malawak na daan
sa tanghaling tapat nakakita ng buwan

ohh aking kaibigan ibigay mo na
ilabas mo na kitang kita sa mata

langaw na dumaan sa harapan nya
ay kina usap nya at napatulala
pagkat buong akala’y madadagganan sya
ohh oohh ang sabi pa nya

ohh aking kaibigan alas ang tinira
tinodo na lahat
tumirik ang mata

ohh aking kaibigan na hindi na nadala
pagkaraan ng araw ay aking nakita
naglalakad ng mag isa at nagsasalita
sya’y naging dakila dakilang tanga

06 November 2010

muling pagkikita (WES'06)

ang balita ko'y muling magkakasama 
sabik na muling magkitakita
apat na taong walang balita
ngayon ? malalaki na

kayrami sa atin ay nagbago
ang dating minsan lang umiimik
ngayon ay naiingayan na ako
bat di ka na lang kaya manahimik ?

pag-uusapan daw ang muling pagkikitaan
magkikita sa harap ng dating paaralan
pero ang ending nyan ?
magdamag mag-iinuman

may kanya kanya nang mga bisyo
mapainom hanggang sigarilyo
ang iba'y meron ng nobya't nobyo
di nila alam na may isang naghihinalo

may biglang gumwapo't gumanda
talagang nakakahumaling ang mukha
hindi mahahalatang noon ay uhugin siya
subalit ngayon ..ay mapag-iisipan mo nang masama

sa bawat pagkikita
meron ka talagang gustong makita
ang taong dating nagpapaalala
na talagang may bukas pa

ang pagnanasang itinago
hindi mailabas noon pagkat bata pa tayo
pero ngayong malalaki na
may pag-asa ba ?

nasaan na ang iba ? tanong ng isa
balita ko'y may pamilya na
at ang anak ay madadagdagan pa
sana kayoy masaya

pinag-uusapan ang mga dating kulitan
at pilit inaalala ang bawat halakhakan
napakasarap talagang balik-balikan
ang pagsasamahang sa paaralang may multo inumpisahan ..