Porke't kulay pula ang labi at may kulay ang buhok, maganda na?
Porke't hindi naka Varsity Jacket, di na gwapo?
Porke't maputi ang mukha dahil sa pulbo, maputi na?
Porke't walang gel ang buhok, pangit agad?
Porke't touchscreen ang telepono, mayaman agad?
Porke't walang laptop, mahirap agad?
Porke't hindi marunong gumamit ng kompyuter, bobo na?
Porke't nakiki-WiFi sa kapitbahay, wala agad pera?
Porke't hindi kumakain sa McDo, mahirap na?
Porke't kumakain sa Jollibee, mayaman na?
Porke't hindi alam ang pangalan nung pagkain sa KFC, hindi in?
Porke't french fries lang ang kaya kong bilhin, kuripot agad?
Porke't nagmumura, bastos agad?
Porke't hindi nagsasalita, mabait agad?
Porke't pumasok sa kwarto at paglabas pinagpapawisan, nag ano agad?
Porke't hindi natutulog sa gabi, insomniac agad?
Porke't pinupuna ko ang mga pangit kong nakikita, masama na ako?
Porke't humahanga ako sa pangit, pangit na rin ako?
Porke't naka white dove sa mall, mahirap agad?
Porke't hindi tugma ang suot ko sa okasyon, hindi agad sumasabay sa uso?
Porke't ...
Porke't ...
Porke't ...
Porke't ...
Porke't napansin ko lang naman na hindi tugma ang iyong mukha sa iyong ginagawa ay ako pa ang masama? Kung ipagpatuloy mo na lang kaya ang iyong ginagawa at hayaan akong tumawa. Hindi hadlang ang pamumuna ng iba. Gawin mo itong inspirasyon at pag-isipin mo sila kung bakit ganun.
Kahit sa isang pagkakataon man lamang; Bigkasan mo ako ng mga naisulat mong tula, Iparinig mo ang ginawa mong kanta, Isayaw mo ang iyong mga paa. Pakiusap, ibahagi mo ang iyong mga obra. Palihog.
03 February 2013
27 January 2013
Meron palang bago.... PICKOWTS!!
Meron palang bago... PICKOWTS!! Mga larawan na merong kowts. Click mo link na to ohh para atsup. http://tamadrules.blogspot.com/p/pickowts.html
Top Fool One
sumasapit na ang bagong umaga, bakit ang likod ay sa banig parin nakalapat?
tinatawag ka na nang iyong konsensya, bumangon ka na at buto'y iunat.
tinatawag ka na nang iyong ina, bumangon ka na at ligpit ang hinigaan.
sumasapit na ang bagong umaga, bakit wala paring maamoy na ulam.
muta ay singkapal nang iyong mukha na nagsisilbing pandikit sa mata.
madilim. hindi kayang ibuka, parang buhay na ang pagbabago'y di makita.
ilong na di na halos makahinga sapagkat ang kulangot ay di pa nakukuha
kukunin. bibilugin. parang manggagawa. kukunin. bibilugin.
pagkatapos magsaing para bang nagwagi, pagkatapos kumain saka magkukunwari.
pagkatapos tumae para bang nagwagi, pagkatapos ay hihiga saka magkukunwari.
pagkatapos matulog para bang nagwagi, pag natapos ang pagkukunwari saka magwawagi.
pagkatapos magkunwari, parang nagwagi. pagkatapos nang lahat ikaw parin ay lugi.
hahagilapin ang nais makamtan pagkatapos ang isa'y iniwan at tinawanan.
walang pakialam sa iyo ang ating magandang mundong ginagalawan.
isa ka lang sa mga napakaraming nabubuhay at namamatay.
papasukin rin nating lahat ang kabaong at saka ihihimlay.
ihagis ang hinahawakan at ang iba ay kunin.
hindi lahat nang pagkain sa mundo ay puro kanin.
ihagis ang kanin at ang tinapay ay kainin.
kung gagalaw ka man lang din, bakit hindi pa ginawa noon?
kung tatayo ka man lang din, bakit pa pinaabot ng dapithapon?
gumalaw ka na at saka hanapin na ang nais ngayon.
dahil hindi lahat ay nabibigyan nang isa pang pagkakataon.

pero hindi lahat nang pagkain sa mundo ay kaya mong kainin.
kung tatayo ka man lang din, bakit pa pinaabot ng dapithapon?
gumalaw ka na at saka hanapin na ang nais ngayon.
dahil hindi lahat ay nabibigyan nang isa pang pagkakataon.
10 January 2013
26 December 2012
Isa Para Sa Pasko
Maghihintay na naman tayo nang 'sang taon para muling madama ang kaligayahang dulot ng Pasko. Isang taon. Isang taon na lang masaya na naman lahat. Walang awayan, puro kasiyahan, maraming inuman at kainan. Maraming sasakit ang tiyan, mga lasing sa daan pero mas marami ang mga batang mga pasikat dahil meron silang bagong damit at laruan.
Akala ko madaragdagan na ang aking GADYETS netong paskong ito. Pero hanggang akala pa rin. Walang nadagdag pero ang mas masaya ay wala rin nabawas. Mabuti pa 'yong iba, andaming regalong natanggap, pero hindi na rin masama nung nakatanggap ako ng Lapstops at Ayfons sa aking panaginip kanina!
Bakit nga ba? Wala. Wala na. Kapuy na........... Nakakapagod na ang magpindot nang pindot sa keyboard. Merry Christmas!! Maligayang Pasko!! ... Merry = Maligaya? xxx Happy New Year!! Manigong Bagong Taon!! ... Manigo = Happy? Greyd wan ako nung mapansin ko 'yan. Hanggang ngayon para akong tanga sa kaiisip kung bakit ganyan 'yan habang ang iba ay alam nila na tama yan. Talaga na mang tama 'yan. Gusto ko lang na mali ako.
AT bakit nga ba mas masarap kainin ang mga pagkain ng kapitbahay kesa sa ating handa t'wing Noche Buena?

Ngunit ba't tuwing pasko lang? Tuwing Pasko lang tayo nagiging ganito? Na ganitong masaya lahat.
AT bakit nga ba mas masarap kainin ang mga pagkain ng kapitbahay kesa sa ating handa t'wing Noche Buena?
18 December 2012
My Gadyets
Napansin ko kasi na uso na sa mga social networking sites ang pagkuha ng litrato ng mga latest gadgets nila. Ipapakita ko lang po sa kanila ang sa akin. Hindi latest pero My GADYETS!!!
Silpon ng bayan at baller na ibinigay noong nakaraaang eleksyon.
may ilaw pa!
remote ng bayan at charger ng bayan.
likod ng remote ng bayan at harap ng charger ng bayan..
Marami pa akong gadgets pero nasira na. Karamihan sinasabi nila na kailangan nila ang mga ito pero ang totoo gusto nila ang mga ito dahil ang iba'y nagkaroon na. Pero mas astig parin ang sa akin, hindi mamahalin. Mura lang , sa sobrang mura , ikaw ay di mapapamura.
05 December 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)