18 October 2017

I'm back! Ambak!

     Sabik.
     Sabik sa pagbalik.
     Muling nagbabalik.
     Letra'y di na matiis ang di pag-imik.
     Isang halik.
     Ako'y Sabik.

    Wait, lips sa english. Okay.

    Halos tatlong taon bago muling nagkalakas-loob na muling magsulat. 
    Teka, sandali lang. Huwag ka munang makinig sa mga ulat. 
    Andami nang nagbago. Ibinandera na nila ang pagbabago.
    Marami na ang sumuko, daghan pud og nangasuko.
    Sa pagkakatiklop ng matuwid na daan, daghan pud og nabanggaan.

    Di na kagaya ng dati. Parang kahapon lang, buhay na buhay pa si Bruno. Ngayon? Wala na. Di na gumagana ang makina. Di na halos makausad. Di na gano'n kalikot ang isip. Para bang estedi na lang. Iisa lang ang tinignan. Di na gumagalaw at wala nang mailapat sa papel.  Sa halos tatlong taon na 'yon, bumuhos ang ulan. Sumilong ang mga letra. Bumagyo't bumaha. Naanod ang pag-unawa. Ngunit patuloy parin ako sa aking pag sagwan kahit wala na ako sa dagat. Umuusad naman kahit papa'no pero di na kagaya ng dati. Di na.

    Inuuna ko na sila. Hindi ko na halos pinagbibigyan sarili ko dahil mas matimbangg sila, ang pag-aaral nila. Ang kalusogan nila. Ang tirahan nila. Noon, hindi ko pa alam ang salitang "RESPONSABLE". Ngayon, alam ko na. Alam na alam. Hindi ko nga lang ginagawa, pero atleast alam ko.

    Naging Xander na si Marlou, Zyrus naman si Pempengco at fucboii na si Baldivino. Nakalaya na si Gloria, nakulong na si Leila at Senador na pala si Nancy, si Cynthia at si Risa. Wow! Magsisisi sila. Ang pagpalit ng mukha, pagpalit ng pangalan, pangangaliwa, pagpapalaya, pagkain ng saba at pagboto sa mga walang kwenta. Pagsisisihan nilang lahat ang mga ito. Puhon.

    Wa nako'y masulti pa. Lahi ra gyud kaayo. Dagha'g butang ang gadagan sa akong hunahuna apan di nako maipagawas. Ambot ngano. Su'd sa gamay'ng panahon. Daghan ko'g nasayran. Daghan ko'g nahibaw-an. Daghan ko'g napasakitan. Daghan sab ang nawala nako. Apan kung mupuyo ko sa mga alingawngaw ug kapait sa kagahapon, di nako makita ang bidlisiw sa adlaw sa mas tam-is pa nakong kaugmaon. Tirada?

    Kapoy na. Dugay na sab ni masundan. Di ko habol ang karangalan. Gusto ko lang na may makarinig sa aking mga hinaing at may malabasan. Daghang salamat!

Suicidal thoughts.