25 March 2015

Demonyo sa Isipan

Konkretong daan na nilalakaran
Perpektong halimbawa ng isipan
Diretsong tinuturo ang lalakaran
Pero kusang lumiko ang katawan

Sinusundan ang mga panaginip
Sinasabayan ang mga pag-ihip
Sinusubukan ko namang sumilip
Sumasalungat parin ang isip

Kung isipan ay laging nakakulong
Solusyon at susi ang panahon
Kung di maibangon sa pagkakalulong
Tandaan, may isa pang pagkakataon.

Demonyong gumugulo sa isipan
Tumutungo sa kaloob-looban
Negatibong bagay ay pinapayagan
Positibong awra'y hinahadlangan

Tatahakin nang marahan ang buhay
Lalasunin ang demonyong kaaway
Iisipin ang kagandahan ng buhay
Isang obrang sa Kanya ko iaalay

26 January 2015

Mekanismo

Depektibong mekanismo,
Di na kayang tumakbo.
Isang libong mekaniko,
Di kayang magpatakbo.

Hindi epektibo,
Pagkasira'y di mapigilan.
Mga ehekutibo,
Pagkasira nila'y di mapigilan.

Isang kamay nakahawak,
Isa'y pumipigil sa bulwak.
Kamalia'y pumapatak,
Sahig ay nagkalatak.

Pero ang mekanismo.
Hindi na umuusad,
Kahit 'sang metro,
Di na makalakad.

Sinubukang patakbuhin,
Ngunit palyado pa rin.
Mabuti pa ang lawin,
Malaya at matulin.

Iwinawagayway ang sumisimbulo.
Nagmamadaling pumanaw.
Nag-aaway nagkakagulo,
Tatlong bituin isang araw,