13 June 2013

Nasayran

Bagay na inumpisahan, tiyak na magtatapos.
Salaping iniingatan ay tiyak mauubos.
Ang sigarilyong sinindihan, tiyak mauupos.
Taong sigaw nang sigaw, tiyak mapapaos.

Bawat sugat ay dugo ang tumutulo.
Patak ng ulan, lupa ang sumasalo.
Sa bawat pagtawa ko ay may naghihingalo.
Panalo para sa'yo ngunit ako naman ang nabigo.

Ang lahat ng taong nagigising ay mahihimbing din.
Kagandahan ng umaga mula sa kadiliman ng gabi.
Magsisimula sa pagsaw-saw ng pandesal sa kape.
Ang bawat paglunok ay may katumbas na tae.

Nang dumating ang tag-ulan, nalaman ko na ako ay nababasa.
Ako ay nasinagan ng araw, napagtanto ko na ang sobrang init ay nakakatunaw.
Nang naumpisahan kong kumain, natuto akong magsaing.
Itinigil ko ang aking paghinga, napansin ko na ito pala'y mahalaga.