26 December 2012

Isa Para Sa Pasko

   Maghihintay na naman tayo nang 'sang taon para muling madama ang kaligayahang dulot ng Pasko. Isang taon. Isang taon na lang masaya na naman lahat. Walang awayan, puro kasiyahan, maraming inuman at kainan. Maraming sasakit ang tiyan, mga lasing sa daan pero mas marami ang mga batang mga pasikat dahil meron silang bagong damit at laruan. 

   Akala ko madaragdagan na ang aking GADYETS netong paskong ito. Pero hanggang akala pa rin. Walang nadagdag pero ang mas masaya ay wala rin nabawas. Mabuti pa 'yong iba, andaming regalong natanggap, pero hindi na rin masama nung nakatanggap ako ng Lapstops at Ayfons sa aking panaginip kanina!

  Bakit nga ba? Wala. Wala na. Kapuy na........... Nakakapagod na ang magpindot nang pindot sa keyboard. Merry Christmas!! Maligayang Pasko!! ... Merry = Maligaya? xxx Happy New Year!! Manigong Bagong Taon!! ... Manigo = Happy? Greyd wan ako nung mapansin ko 'yan. Hanggang ngayon para akong tanga sa kaiisip kung bakit ganyan 'yan habang ang iba ay alam nila na tama yan. Talaga na mang tama 'yan. Gusto ko lang na mali ako.

   Ngunit ba't tuwing pasko lang? Tuwing Pasko lang tayo nagiging ganito? Na ganitong masaya lahat. 

  AT bakit nga ba mas masarap kainin ang mga pagkain ng kapitbahay kesa sa ating handa t'wing Noche Buena?

18 December 2012

My Gadyets

Napansin ko kasi na uso na sa mga social networking sites ang pagkuha ng litrato ng mga latest gadgets nila. Ipapakita ko lang po sa kanila ang sa akin. Hindi latest pero My GADYETS!!!



Silpon ng bayan at baller na ibinigay noong nakaraaang eleksyon.


may ilaw pa!


remote ng bayan at charger ng bayan.


likod ng remote ng bayan at harap ng charger ng bayan..



Marami pa akong gadgets pero nasira na. Karamihan sinasabi nila na kailangan nila ang mga ito pero ang totoo gusto nila ang mga ito dahil ang iba'y nagkaroon na. Pero mas astig parin ang sa akin, hindi mamahalin. Mura lang , sa sobrang mura , ikaw ay di mapapamura. 

05 December 2012