28 May 2012

TanongsHenyo

Ano kaya ang pakiramdam maging henyo? Ang maging isang Albert Einstein? na ayon sa Wikipedia ay isang Aleman-Swiss-Amerikanong pisikong teoretikal na kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang siyentista/siyentipiko sa ika-dalawampung siglo at isa sa pinakamahusay na pisikong nabuhay sa kasaysayan ng agham.


Ano nga ba ang henyo? Para sa akin, matatawag mong henyo ang isang tao kung napaaaaaakaaaaahuuuuuusay niya sa isang bagay o sa isang larangan. Halimbawa, yung kaibigan kong babaero. Magaling siya sa pagtatago ng mga kabit sa kanyang ibang mga nobya. Mga magnanakaw na di nahuhuli. Mga manghuhula na magaling tsumamba. At si Ely Buendia. Henyo sila.


Nagtanong ako kung ano ang masasabi nila sa mga henyo. Marami silang sagot: matatalino kasi raw alam nila lahat, bobo kasi puro libro na lang raw ang kaharap nila, nerd kasi may eyeglasses raw, bright daw ang future kasi ang kapasidad ng kanilang utak ay mas malawak kaysa sa mga normal na tao, boring kasi puro na lang daw study, maliliit daw ang utak dahil di nila ginamit ang kanilang mga katalinohan para magpakayaman at ewan kasi di nga naman daw sila henyo.


Mas mabuti pang maging mangmang at walang alam kaysa ang kanilang dunong ay pantayan. Ipinapakita lang nila na ang mundo ay tunay na di pantay. Tanong ko lang, kaya rin kaya nilang pamunuan ang isang bansang puro henyo rin ang naninirahan?




08 May 2012

DAYA

isang salita ang nagpabago sa kanilang mga paniniwala.
hindi ko raw kaya ang hindi mandaya.
mas mabuti nga yun! yung naniniwala sila na ako'y nandaraya kaysa isipin nilang wala akong ginagawa.

di ba nila alam ang kaligayahang naidudulot ng pandaraya?
pangongopya. pangongotong. pan de coco. atbp.
pandaraya 'yan.

kaysarap sa pakiramdam kapag dinaya mo kapwa mo.
pero masakit sa ulo kapag di ka nakatulog dahil nagawa mo ito.
subalit talgang mabigat sa loob kapag inaakusahan ka nila nito.

huwag kang matakot mandaya.
hangga't pwede pa!
kahit isang beses lang sa buhay mo'y ikaw ay maging malaya.

nawala ang kanilang tiwala dahil lamang sa mga nadinig na salita. 
bakit hindi na lang nila tingnan kung anong aking ginagawa 
para di na sila magduda sa aking mga pandaraya!