22 February 2012

Reklamador

Ako ngayo'y nasa estado na ng aking buhay na nagrereklamo at nagtatanong na naman. ULIT!

 Kung saan hindi ko na naiintindihan ang pinagsasabi nang taong nasa aking harapan. 
Kung saan hindi ko na naririnig ang mga salitang kanilang binibitiwan.
Kung saan ang lahat ay ako ang pinagtatawanan.
At kung saan man naroroon ang unang palapag nang aming paaralan ay hindi ko alam.

Bakit ko pa nga ba sila sinusunod?
Bakit kailangang may bayad ang bawat paggalaw?
Bakit may mga taong pera lang ang nakakapagpatawa?
At bakit pa ba sila nabubuhay sa ating mundong makulay?

Nakakapagod rin pala ang maupo sa silid na malamig.
Nakakapagod umakyat sa ikatlong palapag kung haharap ka lang naman sa mga taong nagsisipag-sipagan.
Nakakapagod maglakad kung ganun pa rin ang iyong nakikita.
At nakakapagod ang mag-aral kung di pantay ang ibinibigay na kaalaman!

Hindi ako nagrereklamo dahil napapagod na ako.
Ako'y nagtatanong lang kung may karapatan pa ba akong magreklamo.