12 May 2011

Hindi Gaya Sayo

hindi madaling gumawa ng isang mahirap na tula 
lalo na kung kasintunog nung sa kanya
talagang mahihirapan ka kung iisa ang inyong tema 
hindi talagang madali , talagang mahirap siya

kailangang maingat sa bawat salita
di dapat tula mo'y may kamukha
magkukunwari , parang mag-iisip pa
ang katotohana'y . blanko talaga

kukuha ng panulat at sa papel ilalapat
mga matatalinghagang salita na di karapat-dapat
naninigurado baka ang bilang ng saknong ay di apat
mabubulaklak na mga letra na animu'y pambanat

alam ko naman na alam mo na
ikay tumutula lang kung ika'y nakatulala
kung di naman ay kung sa pag-ibig ika'y nasaktan 
kaya't sa tula na lang ibubuhos ang nararamdaman

ito .. talagang ika'y matatamaan 
dahil alam ko ring sa tula mo'y may pinatatamaan
mga kaklase . politiko . guro . pamilya't magulang
pero ang kadalasan ay ang iyong kasintahan

kahit anong istilo pa ang iyong ginagamit
sa paggawa ng tula di kailangang sa salita mo'y malimit
ang mahalaga'y mailabas ang matagal nang iniipit
siguradong gagaan ang pakiramdam at talagang walang sabit

sa palagay ko'y huli na yata ito
ngunit di ko pa rin naiisip ang ang pangalan nito
sana'y pangalanan mo rin ang tula mo
at ang sa akin , tatawagin kong "Hindi Gaya Sayo"