Kahit sa isang pagkakataon man lamang; Bigkasan mo ako ng mga naisulat mong tula, Iparinig mo ang ginawa mong kanta, Isayaw mo ang iyong mga paa. Pakiusap, ibahagi mo ang iyong mga obra. Palihog.
17 August 2010
SINDIHITBUGA
Isang bisyong masarap
masarap kung may piso
pisong naglalakbay
naglalakbay patungo sa kawalan ..
Mula sa kamay hanggang makarating sa baga
baga na puno ng usok
usok na papuntang utak
utak na hindi naman kalakihan
Ngayon ka pa ba titigil ?
hanggang kailan ka magsisimula ?
Kanina lang ay tapos ka na ..
RESULTA ?
Ialok mo sa magiging anak mo
wag mong ipagdamut !
at makikita mo
kung anong pinasok mo ..
Hindi makapagtiis
gusto ng makatikim ng konting lapis
lumabas sa labas !
pumasok na naman ang usok ..
Isang marubdob na buga .. (HAAAAHH!)
alam mo ba ? na ang iyong ibinuga ?
sa iba mamiminsala ..
pinsalang di basta-basta ..
Bisyong mahirap iwanan
dahil iyong sinimulan
kung hindi mo sana sinindihan
di ka sana maagang paglalamayan..
05 August 2010
komersyal ads ! ( yosipat exam result ) pasikat version
ikaw na naman ? hindi ka naman namin inaano , ba't ang hilig mong mang ano ?
gusto mo bang palagi kang napapansin ?
gusto mo bang nakatuon lagi sa'yo ang atensyon namin ?
gusto mo bang tumawa kami sa mga pinagagagawa mong hindi namin ikinatutuwa ?
bakit ba ang hilig mong magpasikat ?
bakit ba ang hilig mong magpabilib ?
ngunit sa tuwing napapansin namin ang mga gawain mo ay umaalma ka agad ..
marami kaming ayaw sa'yo ..
marami kaming inis sa'yo
at marami kaming galit sa'yo ..
hindi kami naiinsecure uy ! hindi ka kagwapohan .. UNGAS KA !
gayunpaman ay nagpapasalamat parin ako sa'yo na kung di dahil sa'yo ay hindi ko masusulat ito ay kung hindi dahil sa'yo ay malamang wala kaming pinagtatawanan ngayon .HAHA !
respeto ba gusto mo ? respetuhin mo rin kami ..
mas matayog ka pa sa eroplano sa taas ng iyong lipad ..
itigil mo na ang kahangalang iyan ! parepareho lang tayong demonyo ..
minsan naman ay gamitin mo ang iyong kasamaan sa mabuting paraan ..
hindi ko sinasabing baguhin mo ang ugali mo ..ang sa akin lang ay bawas'bawasan mo ang iyong umaapaw na kayabangang hindi na halos mapantayan !
kitakitz sa impyerno :D
Subscribe to:
Posts (Atom)